---The blue ocean is so calm. Madilim man ay alam kong kalmado ito dahil mahihina lang ang tunog na naririnig ko.
I'm sitting on the sand just near it pero hindi man lang ako magawang mabasa non. Ang kalmado talaga ng tubig. Kaya natutuwa ako. Sa lahat ng bagay, ang ikinatutuwa ko ng sobra ay ang pagiging kalmado ng kung ano.
Mapa dagat man, ang paligid, ang musika, ang kahit ano. Basta kalmado, nagiging masaya ako.
Hindi man halata sa 'kin na masaya ako sa ganon ay totoong natutuwa talaga ako. Dahil... iyon ang hinahanap hanap ko. Kaya natutuwa ako tuwing ganon ang paligid ko dahil pakiramdam ko, nahahawa ako.
Kumakalma ako.
Calmness is what I want. It's what I want to achieve. But... not only on my outside, because it's just easy to fake. Ang gusto ko, sa loob loob ko, kalmado ako.
Pero mahirap.
Because inside me... deep within me... there's this hope that I'll be able to achieve calmness. To be able to have no worries. And to... have someone I can share everything with. A person who doesn't judge me.
My head tilted to my right when someone sat beside me. Napaayos ako ng upo ng maramdaman ang yakap nito sa bewang ko. Ang ulo naman nito ay sinandal niya sa balikat ko.
"Cha," malambing nitong tawag.
"Hmm?"
Isang sulyap lang ang iginawad ko sa kanya bago tumingin muli sa unahan. Sa dagat na kalmado. Madilim pero hindi nakakatakot dahil ang tunog na dulot nito ay sobrang nakakapag pakalma.
"Bakit hindi ka pa tulog? It's already late, babe."
Napahinga ako ng malalim.
It's my boyfriend, Nevel. We're together for months now. Simula first year pa kami. Ngayon ay bakasyon at mag second year na kami sa susunod na taon ng pasukan. We're on a vacation together with my friends and their boyfriends. Si Maeve ay hindi namin sinama dahil alam naming kauuwi lang non galing Hong Kong.
"Ikaw? Bakit ka amoy alak?" Balik kong tanong.
Nilingon ko ito kaya inalis nito ang ulo sa balikat ko. He sexily chuckled and even reached for my cheeks to pinch it. Bumusangot ako ng konti, ayaw kong ginaganon ako pero ang hilig niyang gawin iyon! Nasasanay na lang ako.
Pero ayaw ko pa rin dahil pakiramdam ko, bata ako. I'm not! I'm now of legal age.
"Uminom kami ng mga kaibigan mo. Akala namin tulog ka na, nandito ka pala." Natural ang lambing sa boses nito.
Kaya siguro nagustuhan ko siya, dahil ang lambing sa boses niya ay nakakakalma. Sobrang... naaattract ako sa ganon talaga.
I smiled, "I'm enjoying the view."
"The darkness," he corrected.
Nailing ako, natatawa ng konti. He again chuckled. Even his chuckles were soft. Masarap pakinggan.
I held his hand and intertwined it with mine. Humigpit rin doon ang kapit niya.
"Ilang buwan na tayo, Cha." Sabi nito.
I bit my lips before looking at him. I raised a brow, asking him to continue.
He sweetly smiled pero napanguso rin kalaunan ng magtama ang mata namin. Matagal muna siyang napatitig sa mata ko bago sa labi, sunod ay sa mata muli.
"Apat na," dagdag ko dahil hindi na ito umimik.
He nodded, "Hindi... Hindi pa rin ba kita pwedeng halikan?"
BINABASA MO ANG
Ghost of a Nonentity (NOTHING SERIES #2)
RomanceSicha Leonette Trevino, a second year Chemical Engineering student who had always been known for as someone who's topping their batch. She's always serious about her studies since that's the only thing she can do... because she has no other things t...