Chapter 17

3.4K 69 20
                                    


---

Natahimik ito sa sinabi ko. Hindi ko makita ang ekspresyon niya dahil naka suot na ito ng helmet.

It was silent between us. Ang alam ko lang ay nakatingin ito sa 'kin dahil sa 'kin siya nakaharap.

I sighed, "Umuwi ka na. Ingat,"

I stepped backwards before turning around. Hindi ko na siya nilingon pa muli at tuloy tuloy nang pumasok sa loob ng building.

Nang makarating sa condo ko ay napailing na lang ako. This day caused me turmoil. That Gage is something today. Weird at its finest yet crazy, too. Paano ba ako nakakasabay sa kanya?

I showered first before going to sleep. Ngunit bago iyon ay naka receive ako ng message galing kay Gage.

'I'm home, honey.'

Nangiwi ako, honey na naman. Hindi na talaga nawala iyon sa araw ko. He just always call me that whenever he has the chance to.

The next day, dahil may pasok ay maaga akong gumising para mag ayos.

As usual, masyadong busy sa klase pag umaga, sa activities naman sa gabi. Whenever I have time, sa library naman ang tambay ko to study. Lagi nga lang naka sunod si Gage, minsan ay pumupuslit pa ng pagkain sa loob, gosh.

"You want?" He asked while I was busy reading.

Kumunot ang noo ko sa pagtataka bago nilingon siya. I saw him holding an egg sandwich na ikinagulat ko. Nagdala na naman ito ng pagkain!

Maingat akong nag angat at nag ikot ng tingin bago binalik sa kanya.

"Mapapagalitan ka sa ginagawa mo, Gage." Bulong ko.

"If they catch me." He smirked.

Nailing ako bago nagpatuloy sa pagbabasa. Ito ay nanatili sa pagkain ng palihim. Hindi ko na sana ito papansinin pa ng bigla na lang siya magtayo ng malaking libro sa tapat ko bago inilapit ang isang sandwich sa may bibig ko. The book helped cover it from the view of the librarian.

Nanlaki ang mata ko at nilingon si Gage, nag iingat at natakot. Damn him, may plano ata itong ipahamak ako!

"I'm full. Help me, this is yours anyways." He whispered, lumapit pa sa tenga ko para bumulong.

Sinamaan ko siya ng tingin bago hinawakan ang kamay niya at kumagat nga doon. I admit, I'm hungry and I like the egg sandwich here. Masyadong masarap ang palaman non.

Nangiti ito at binitawan na ang sandwich dahil hawak ko na iyon. Hindi ako umimik at tuloy tuloy lang sa pag nguya para maubos agad iyon at maiwasan ang mahuli. Sobra rin akong kinakabahan.

Hindi kaya ay mabanned ako dito sa library if I get caught? If I do, I'll have a big problem! This is my comfort place here lalo pa at dito ako nakakapag aral ng mabuti.

"Slow down, Cha. Hindi kita aagawan." Natatawang sabi ng katabi ko.

Mas sumama ang tingin ko dito pero hindi umimik. Inahon ko na lang ng konti ang ulo to look around bago yumuko muli ng konti, even sat comfortably on the chair without a proper posture to hide myself more using the big book.

Gage softly laughed beside me bago inabot ang mga takas na buhok ko. Kinunutan ko ito ng noo, puno ang bibig ko kaya hindi ako makaimik.

I stared at him as he looked at my hair that he's fixing. Wala akong dalang pang ipit kaya hindi niya iyon matatali. Matapos niyang ipunin iyon sa isang kamay ay saka lang siya tumingin sa mukha ko. Hindi niya na muli binitawan ang buhok ko na hindi ko naman ikinailang pero medyo weird.

Ipinatong pa nito ang isang siko sa mesa at nagpangalumbaba habang nakatingin sa 'kin.

"You look like a kid. Ang cute." Pang aasar nito.

Ghost of a Nonentity (NOTHING SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon