Chapter 19

3.5K 78 31
                                    


---

"W-What?" He stuttered.

I didn't talk, napaisip kung seryoso ba ako sa sinabi.

I'm gonna be his girlfriend?

"Cha, you're not required to say your answer now. D-Don't decide in a rush." Ramdam ko ang gulat sa boses nito.

Napapikit ako ng mariin, napamasahe rin ako ng noo. Damn it.

"You said you want a chance, Gage. I don't like the ligaw stage so..."

"But..."

Kumunot ang noo ko at nilingon ito. Nakita ko itong gulantang, nanlalaki ang mata at nakaawang pa ang labi. Tulala sa 'kin.

"Do you want me to be your girlfriend or not?" Inis kong tanong.

"Pero—"

"Gusto mo o ayaw mo, Gage?" Ulit ko.

Umawang lalo ang labi nito, hindi makapaniwala!

I stayed silent but was looking at him with a raised brow. He looked so shocked so I'm giving him time to process what I said.

I already said it, wala ng bawian iyon. Lalo pa at ayaw ko rin namang paasahin ito tapos magbabago pala ang desisyon.

"But I can't assure you I'm gonna reciprocate your feelings." Dagdag ko, "Because I can't tell if I'll be doing so."

"I-I..." I saw him gulp, "Okay... You're my girlfriend now, then."

I pursed my lips, wala ng masabi. This is so awkward. Natahimik kaming dalawa, mabuti at dumating na ang order namin kaya kumain na kami. Pero parehong tahimik. Hindi ko alam ang gagawin, tama ba ang naging desisyon ko?

He wanted a chance so I gave it to him. A chance to make me love him. To... save our friendship and level up into something better.

"Gusto mo pa ng fries?" Unang tanong nito simula kanina.

I looked at our fries bago sa kanya. Tumango ako dahil paubos na iyon. Wala akong mapagka abalahan na iba kaya kakain na lang ako. Naaawkward ako sa atmosphere. Ganito ba talaga 'to?

Hindi naman ako ganito noon lalo na kay Nevel. I didn't feel awkward but he was shy.

Ngayon, ang awkward! Nakakainis tuloy dahil hindi ko alam ang gagawin.

"Hmm, okay. I'll just order us more fries. How about drinks?" He asked.

"Marami pa ang akin."

He nodded bago tumayo na. Hindi ko maiwasan ang pagsunod dito ng tingin. At nang makapasok na ito ay bigla akong napahinga ng malalim, parang nabunutan ng tinik.

Marahan akong napamasahe sa noo, nasstress sa naging desisyon.

Kailan pa ako naging padalos dalos? Hindi ko man lang pinag isipan! Grabe, pumayag agad ako!

Pero... kung ibang tao rin naman iyon at hindi si Gage ay papayag rin naman ako. Kaya anong pinagkaiba?

Hindi ba't mas mabuti na si Gage ang binigyan ko ng pagkakataon na ganito dahil kilala ko na siya at kilala niya na ako? There are few adjustments to do dahil matagal na kaming nag aadjust sa isa't isa.

Why bother a lot when I know if it's a different person, I'll easily accept the confession and give it a chance?

Totoo ito, this is really what's gonna happen kahit ibang tao ang umamin sa 'kin. Kaya walang sense ang nararamdamang awkwardness at takot sa naging desisyon dahil si Gage ito at hindi ibang tao. If there's someone who I should be gladly giving a chance, si Gage iyon.

Ghost of a Nonentity (NOTHING SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon