---Nilingon ko ito, sobrang sama ng tingin. Malapit na rin ito, halos isang hakbang na lang ang layo sa akin.
Nanikip na naman ng sobra ang dibdib ko sa isiping nawala ang anak ko. Why is he here? Bakit ba ito nandito? At bakit ko siya nakita ulit? Ayoko na itong makita!
Nagagalit ako ng sobra.
"Pinagsasabi mo?" Galit kong sabi.
Ang anak namin, hindi man lang nagkaroon ng pagkakataon na maisilang! And I still blame us for that. Him and me.
"We... We..." Napalunok ito ng ilang beses, parang natauhan bigla.
His eyes dilated as regret show on his face. It was as if he regretted mentioning that, and that he went near me.
My jaw clenched, agad akong umiwas ng tingin dahil naiirita rin ako sa sarili ko dahil kinakausap pa ito. O binigyan man lang ng pagkakataon na malapitan ako. Ayoko na nga sa kanya. Ayoko ng makita ito muli!
Napailing ako at umalis na doon. Nakakairita ng sobra. I can't believe that I saw him here, after years!
Napapikit ako ng mariin at marahang hinaplos muli ang puso dahil sa sakit non. It hurts so bad, still. Paano ba ito mawala? I don't think I can make this disappear. And time isn't helping me heal.
"Tita, you otay?"
Nag mulat ako ng mata ng marinig ang marahang boses ni Riley. I stared at her before smiling. She cupped my cheeks and softly caressed them.
I smiled, "Yes, I am, princess..."
"Otay..." she showed me a big smile, showing all her teeth.
I chuckled. Hinalikan ko ito sa pisngi bago tuloy tuloy ng umalis sa loob ng mall. Sa parking lot na kami pumunta dahil nandoon na si Maeve.
I sighed when I arrived there in peace. Wala ng nanggulo o biglang sumulpot. Gage didn't follow. Mabuti naman.
I sighed and placed Riley at the back. I even fixed her seatbelt. Si Maeve ay nakaupo sa driver's seat.
"What's with your face?" She asked when our eyes met.
"What?"
She stared more before shaking her head, "Nakabusangot ka kasi."
I rolled my eyes and didn't answer anymore. Lumipat na lang ako sa shotgun seat at doon naupo. I sighed and closed my eyes, hindi na umimik pa.
I still can't believe what happened earlier.
Ang bilis lang ng pangyayaring iyon pero hindi ko magawang kalimutan agad. Sobra akong apektado. And I hate how affected I am upon seeing him. I feel so hurt and in pain. Nagagalit ako sa kanya at sa sarili ko. Bakit hindi ko magawang kalimutan ang lahat ng sakit? Kahit siya, bakit hindi ko magawang kalimutan?
I'm tired of this feeling. I'm tired of the pain.
Is pain and loneliness all I can ever feel in this lifetime?
Hindi umimik si Maeve, akala siguro nakatulog na ako. Matagal rin akong nakapikit at nagmulat lang ng huminto na ang sasakyan. I discovered we are in the parking lot of our condo building.
"We're here, Cha." Sabi nito.
Bumuntong hininga ako bago inalis na ang seatbelt. Ito ay agad bumaba at kinuha si Riley sa likod na nakatulog na. Kaya pala sobrang tahimik dahil tulog na ang bata.
"Here's your key." Abot sa 'kin ni Maeve ng makababa na rin ako.
Kinuha ko iyon at itinago sa pouch. Sabay na kaming pumasok sa loob ng elevator. Pareho lang naman kaming dito nakatira, mag kaibang floor lang.
BINABASA MO ANG
Ghost of a Nonentity (NOTHING SERIES #2)
RomanceSicha Leonette Trevino, a second year Chemical Engineering student who had always been known for as someone who's topping their batch. She's always serious about her studies since that's the only thing she can do... because she has no other things t...