Chapter 28

2.6K 61 18
                                    


---

Isang bagay na hindi ko napigilang gawin ay ang pag punta sa cliff sa Batangas.

It calms me amidst all the memories.

Hindi ko kayang bitawan ang lugar na ito gaano man karaming nangyari dito.

I sighed and just again lit a cigarette.  I stared at the view as I smoked one.

Wala pa ring pinagbago dito, madilim pa rin. I never wanted lights. Maging ang ilaw ng sasakyan ay hindi ko binubuksan. I loved the darkness. I become one with it.

Ikalawang stick ko na ito ng sigarilyo ngayong gabi. Hindi ko alam paano ako natuto, I just found myself trying it and getting addicted with the feeling. Lalo pa nung... nung mangyari ang mga nangyari noon.

"Cha? Cha? Are you here?" Rinig ko ang boses ni Beca, sunod sunod rin itong kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

I was blankly looking at the ceiling. Masyado akong blanko. Wala akong maisip, wala akong maramdaman. I just feel nothing. I just want to be like this. Wala akong lakas gawin ang kung ano.

Matapos malaman na... I had a miscarriage, I didn't know what happened anymore. Masyadong malabo para sa 'kin ang nangyari matapos iyon. Parang wala ako sa sarili ko nung mga panahong iyon.

I just found myself crying and crying inside my room again.

Sobrang hindi ko matanggap ang mga nangyayari noon. Pakiramdam ko mababaliw ako. Hindi ko na alam alin ang uunahin ko. Sunod sunod akong nawalan ng minamahal.

I didn't even know I was pregnant. And I can't help but be guilty about my unborn child. If only I was responsible enough, if only liquor hasn't been my comfort at that time, maybe she's still with me. May kasama na sana ako. May pamilya na sana ako.

Pero wala, eh. Naging pabaya ako sa sarili. Nalunod ako ng sakit na nararamdaman. 

Nagiguilty ako, sinisi ko ng sobra ang sarili ko noon. Pero habang tumatagal, narealize kong hindi ko kasalanan kasi hindi ko naman alam. Pero masakit, sobrang sakit na mawalan na inako ko na lang na kasalanan ko. Na kasalanan rin ng gagong iyon.

I wanted to blame someone for it kahit wala namang may kasalanan. Dahil hindi ko matanggap na nawala na lang ito bigla bago ko pa malaman na may buhay na palang nabubuo sa tsyan ko. Nalaman ko kung kailan wala na.

Ang hirap tanggapin, naaawa ako sa anak ko dahil hindi niya deserve na mawala sa ganoong paraan.

I blamed myself. I blamed Gage.

"Cha?" Tawag naman ngayon ni Vy.

I closed my eyes and covered it with my arm. Ilang araw na ba akong hindi lumalabas? Bihira na rin ako kumakain. Wala akong gana.

Hindi ko alam paano nila nalaman na nagkukulong ako dito sa kwarto ko. Halos dalawang linggo na simula ng matanggap ko iyong balitang iyon.

"Wala ata dito si Cha, eh." Rinig kong reklamo ni Vy.

"Saan naman siya pupunta? Wala iyong mapupuntahan." Beca sighed. "We can't even contact her. Nasaan ba siya?"

Okay, I was wrong. Hindi pala nila alam na nagkukulong ako dito. Pero hindi ko alam bakit sila nandito. Bakit nila ako hinahanap?

"Hindi kaya nakidnap si Cha?" Rinig ko ang panic sa boses ni Violet.

"Duda ako." Beca said, "Nasaan ba si Maeve? Nacontact mo na?"

"Hindi pa. Hindi ko naman iyon nacocontact."

"Ugh, nakakastress talaga kayong tatlo." Reklamo ni Beca.

Ghost of a Nonentity (NOTHING SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon