Chapter 10

3K 76 14
                                    


---

"Huy,"

Napakurap kurap ako ng may biglang ng gulat sa 'kin sa gilid ko. Naglalakad pa lang ako papasok ng room, eh.

"Our room's here. Where are you going?" Nakataas kilay nitong tanong.

Ngumiwi ako para pagtakpan ang sarili pero hindi na nagsalita at pumasok na ng room. I sighed before sitting on my usual chair, kung saan katabi si Carpinelli.

May quiz ngayon, last day na ng quiz week. Next week ay exams naman. Kinakabahan ako dahil hindi ako nakapag review.

Hindi ko alam bakit.

Sinubukan ko naman pero walang pumapasok sa isip ko. Parang nalabas lang agad sa kabilang tenga ang lahat ng pumapasok sa isa. It's so frustrating! Hindi ko alam ang gagawin ko mamaya.

I was again reading my notes pero wala na naman akong maintindihan. I never felt this affected about something.

Simula kasi nung makausap ko si Oto-san ay araw araw na itong tumatawag. I wanted to ignore his calls but... I'm also craving for his attention kaya sinasagot ko pa rin. Kahit pagkatapos ng pag uusap ay nagsisisi ako lagi.

Nakakatanga pero hindi ko alam bakit inuulit ulit ko.

I sighed.

Mas lumala pa ang isipin ko kasi sabi niya ay hindi daw sila uuwi until I agree. He also said my papers are ready, approval ko na lang ang kulang.

Eh ayoko nga. And, payag ba ang asawa niya? Duda ako.

"Sicha," napaigtad ako ng may biglang tumawag sa 'kin. "Are you okay? Keep your notes according to Engineer. The quiz is about to start."

I bit my lips bago napailing. Damn it, I got so distracted. Wala talaga akong alam for this quiz! Major pa naman!

Ngayon pa lang ay naiiyak na ako.

I feel so frustrated! Nakakainis!

Suminghap ako ng hangin para kalmahin ang sarili bago itinago iyong notes ko. Pagkatapos ay saka ko tinignan si Carpinelli na kanina pa pala nakatingin.

"What?"

"Are you okay?" Nakakunot noong tanong nito.

I gave him a nod before looking away. I again let out a deep sigh. Kinakabahan talaga ako. May maisasagot kaya ako? Pakiramdam ko ay wala. Hindi ko nga maintindihan iyong binabasa ko eh, paano na lang iyong questions?!

Ugh! I can't believe I'm saying this but, bahala na!

Pumikit ako ng mariin para mag focus bago tinignan na ang test paper na ibinigay. Pero unang tanong pa lang ay natulala na agad ako at parang naiiyak na.

Hindi ko alam ang sagot!

I tried reading the others but I also didn't know. My mind is blank. I tried remembering the lessons but I couldn't! Wala talaga akong maalala, damn it.

Napasinghap ako para pakalmahin ang sarili. Maybe I'm just panicking kaya wala akong maalala. But time passes by, hindi ko talaga alam ang sagot. Natulala na lang ako doon, naiiyak pero pinipigilan lang.

"Shit," I cursed.

I'm gonna fail this quiz! Iyong mga naunang quiz ay nahirapan na talaga akong mag focus pero dito ako sobrang nahirapan dahil wala na talaga akong maisagot. What the hell?

Time kept on running with me having a blank paper except the questions. Hindi man lang iyon multiple choice. Hindi iyon uso sa 'min. It's always identification and essay.

Ghost of a Nonentity (NOTHING SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon