Chapter 32

2.7K 51 9
                                    


---

Nung sumunod na araw, pagkarating ko sa pharmacy ay agad kong nakita si Gage sa pinto. I didn't look at him anymore as I enter, not wanting to be seen by him looking.

Sulyap lang naman ang ginawa ko.

"Good morning," bati nito ng dumaan ako sa harap niya.

I just nodded and didn't talk. The cashier from the counter area also greeted me na ikinatango ko lang rin. I don't want it to be obvious how I treat Gage differently with them. Kaya tumango na lang ako dahil ganon ang ginawa ko kay Gage.

May mga bumati pang iba na tinanguan ko lang rin.

"Pamilyar talaga, noh?" I heard whispers.

Nilingon ko iyon. I saw Ava and Via looking at Gage. Kumunot ang noo ko. What are they talking about?

"Hindi ko na matandaan." Sagot naman ni Via.

"Duda na rin tuloy ako."

Nailing na lang ako at hindi na pinansin pa ang mga ito. Pagkarating ko sa opisina ko ay may tulips na naman. I frowned. Inaraw araw talaga simula nung mag bukas itong pharmacy!

I should ask the people here about it later. Hindi ko na alam ang gagawin sa mga tambak na bulaklak na iyon. Gusto kong itapon pero ayokong dalhin pababa dahil nakakahiya.

I should really have a box. Dahil sa naisip ay bumaba ako at pumasok sa stock room. I looked for an empty big box. Hindi naman ako nahirapan dahil nakakuha ako non. Masyadong malaki iyon at nakatupi. Medyo mabigat sa kamay pero pinilit kong dalhin dahil ayokong makaistorbo pa sa kanila.

I was at the stairs, umaakyat doon ng pakiramdam ko ay biglang gumaan ang dala ko. Kumunot ang noo ko at napatigil para mag observe sa box.

"Someone told me you asked for help."

Napaigtad ako sa gulat ng may biglang nagsalita sa likod ko. Muntik pa akong matumba dahil sumabit ang isang paa sa mas mataas na hakbangan. Kung hindi nito nahawakan ang siko ko para alalayan ako ay natumba na siguro ako.

But I wasn't thankful that he did!

Hinila ko ang siko palayo sa kamay nito ng maramdaman ang malamig nitong kamay. Kinilabutan ako, nagtaasan ang balahibo ko dahil sa epekto non.

He let go of me. Mabuti namam at... hindi niya ipinilit ang kamay.

"Sino ang nag sabi?" Masungit kong tanong.

He stared at me. Mas mataas ako ngayon sa kanya ng isang hakbang pero magkalevel ang mga mukha namin. Kaya hindi ko maiwasang makipagtitigan.

"I don't know. Someone," he shrugged after speaking softly.

I pushed a tongue on my cheek bago umikot na at tinalikuran ito. Maglalakad na sana ako paakyat ng makuha niya na iyong dala ko. Inagaw niya iyon sa akin! May kalakasan pa!

"Wala akong sinabing kailangan ko ng tulong." Naiinis kong sabi.

"Iaakyat ko lang." Mahinahon nitong sabi, tumigil sa paglalakad para tignan ako.

Mabuti at may walls ang magkabilaang gilid nitong hagdan. Hindi kami kita ng ibang mga nandito. Malayo rin sa counter area kaya hindi kami rinig. I'm free to show rudeness!

"Kaya ko. Hindi mo yan trabah—"

"I want to. I'll just bring this to your office, bababa rin ako agad." Marahan nitong sabi, para pang nanghehele ang boses.

Kumunot ang noo ko lalo. My jaw clenched, too. Naiinis na naman ako. I hate how everything he does right now makes me think of how he used it against me to fool me before!

Ghost of a Nonentity (NOTHING SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon