Chapter 34

2.8K 63 9
                                    


---

He sighed and walked closer, nakapamulsa ito sa suot na jogging pants. He's also in a gray loose shirt.

"This is why I told you we'll talk." Kalmado nitong sabi.

I clenched my jaw, naiinis na sa nangyayari.

"Let's go back to my room. Let's talk there."

"No," agad kong tanggi. "We can talk here."

I don't want to talk inside that room of his. Ayokong makulong sa iisang lugar na kasama siya. At kwarto iyon! Malay ko ba kung may pinaplano ang lalaking ito besides sa pag uusap. Baka ikulong niya pa ako doon kasi ayaw niya akong umuwi!

"I'll explain everything there, Cha." Marahan nitong sabi.

Napailing ako, ayaw sumunod. Pero nang humakbang ito palapit ay nanlaki ang mata ko. I walked to the side bago nilampasan siya at umuna na sa taas.

I suddenly remembered how he carried me last night. Nahilo ako ng sobra.

And speaking of last night... Damn it, naalala kong hinalikan ko ito. Totoo ba iyon?! Did I really kiss him?! Hindi maaari! Hindi pwedeng hinalikan ko nga ito?!

Muntik pa akong matigilan sa paglalakad dahil sa naalala. If only I haven't heard his steps behind me, i would have stop walking. Mas binilisan ko ang lakad at pumasok sa kwarto sa dulo.

Masyadong malaki ang bahay, matagal akong naglakad sa hallway.

Napabuntong hininga na lang ako ng makapasok na. I looked around bago naupo sa dulo ng kama. Pumasok rin naman ito agad at sumandal pa sa pinto, hindi na binalak pang lumapit. Mabuti naman.

"Kumain ka muna." Sabi nito.

Sinamaan ko siya ng tingin, "Bakit may media sa labas? I have to go home! I have work. No, we have work!" Nagpapanic kong sabi.

He sighed, "Eat first. I'll tell you later."

"Hey!" Tawag ko, napatayo pa dahil lumabas ito ng kwarto matapos sabihin iyon.

Padabog akong naupo muli sa kama dahil sa irita. Hindi ko gustong napapasunod ako nito!

Kinuha ko iyong pagkain at kinain na iyon habang nag iisip ng mga pwedeng rason bakit may media sa labas. Hindi ko maintindihan. Is he famous? Because I doubt I am.

Pero wala naman akong nababalitaan tungkol sa kanya. Or maybe because I don't watch the news often.

Napahinga na lang ako ng malalim.

Matagal bago ako natapos kumain. I left it at the table here bago pumasok sa banyo nitong kwarto niya. I haven't even washed myself first!

Nagtagal ako doon sa paghihilamos, halos kausapin pa ang sarili sa salamin.

Naalala ko na naman kasi iyong paghalik ko sa kanya ng makita ko ang labi ko.

"He has a wife, Cha. Why did you kiss him?" Mariin kong bulong sa sarili, nagagalit.

Napapikit ako ng mariin dahil walang makuhang sagot galing sa sarili. I can tell those words to him without kissing him. I'm referring to what I've said to him last night.

Ano na lang ang iisipin ng lalaking iyon? Na hinalikan ko siya kahit may asawa na siya. Maybe he assumed I know he's married because of the ring on his finger. Kitang kita iyon. Kaya alam kong iniisip niya, na lahat ng makikita siya ay iisiping kasal na ito.

"Nakakairita ka, Cha," pagsabi ko sa sarili bago lumabas na sa banyo.

Nagulat ako ng makita si Gage na seryosong nakatayo, may hawak na phone at nasa tenga niya iyon, mukhang may kinakausap. Habang ang isa ay nasa bewang nito.

Ghost of a Nonentity (NOTHING SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon