---Ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko. Hindi rin ako nakaimik agad dahil sa narinig.
"What the hell is wrong with you?!" Sabi ko ng matauhan.
Pinilit kong lumayo, mabuti ngayon ay hinayaan niya ako! Nakangisi itong umayos sa pagkakasandal sa sofa habang ako ay tumayo sa harap niya pero may kalayuan sa takot na baka mahila niya muli ako at... yakapin.
Baliw na lalaki!
"Nothing," he chuckled, "I'm just teasing you."
"It's not funny!" Iritado kong sabi.
Kalmado akong tao pero pag dating talaga sa kanya, nawawala ang composure ko. Kulang na lang ay sigawan ko siya lagi!
Iyong kahit gaano ko itry na kumalma lang pag kausap siya ay hindi ko magawa dahil sa mga trip niya sa buhay! Iyong naiirita na nga ako sa kanya noon pa lang tapos lumala pa!
"Did I say it is?" Nag taas kilay ito.
When he stood up, agad akong napaatras. It was just like reflexes! Natawa ito ng mahina dahil sa ginawa ko bago umiling.
"Chill, I won't do it again." He licked his lips before smirking. "I thought you're going home? Let's go, I'll bring you home."
Tinitigan ko siya para basahin kung totoo ba ang pinagsasabi niya. O kung may pinaplano ba ito.
Nakipag titigan siya kaya napaiwas rin naman ako ng tingin agad. Masyadong nakakawala ang mata niya at ayaw kong mapansin niya na iyon ang epekto non sa 'kin.
Kinuha ko na lang ang laptop ko at inayos iyon. Siya ay nauna na sa may pinto at sumandal doon habang nakatingin sa 'kin. Nagmadali tuloy ako, hindi maiwasang mapressure.
Nang matapos mag ayos ng gamit ay lumapit na ako dito. Agad naman siyang napaayos ng tayo at binuksan ang pinto. He also fixed his hoodie and again covered his face as we walk to the elevator.
Nailing na lang ako, talaga bang ayaw niya ipakita ang mukha o may rason bakit ayaw niya? Nakakapagtaka kasi ang pagtatago niya sa mukha niya as if bawal iyong makita.
But that's impossible since I've seen it already.
I sighed, masyado na naman akong napapaisip sa kanya. Tahimik lang ako buong byahe. Sobrang traffic pa rin kaya matagal bago kami nakarating sa Busy Beans. Mas nagtagal pa ata kami sa byahe papunta sa condo niya at pauwi.
Dito kasi ako nagpahatid dahil ayaw ko ngang malaman niya, o ng kahit na sino, saan ang condo ko.
"It's almost dark, are you hungry?" He said after rolling the window on his side to look outside.
I looked in the sky, too, before at him again.
"I'm gonna take out, I guess." I shrugged.
I removed my seatbelt. Bubuksan ko na sana ang pinto sa side ko ng mauna itong lumabas. Kumunot ang noo ko pero hinayaan siya at lumabas na rin. He's now leaning on his car, waiting for me.
"Let's eat first?" Aya nito.
"No,"
He raised a brow with my declination, "Why not?"
"I don't wa-"
"You don't want to eat dinner?" He stood up properly. "Or you don't want to be with me."
"The latter," I answered honestly.
I rolled my eyes and started walking inside Busy Beans. I even heard him chuckle.
Dito na lang ako nag take out ng food. They have rice naman but chicken fillets only and eggs. Iyon lang ang dish pero iba iba ang kapair kaya marami pa ring pagpipilian.
![](https://img.wattpad.com/cover/326607915-288-k253103.jpg)
BINABASA MO ANG
Ghost of a Nonentity (NOTHING SERIES #2)
RomanceSicha Leonette Trevino, a second year Chemical Engineering student who had always been known for as someone who's topping their batch. She's always serious about her studies since that's the only thing she can do... because she has no other things t...