---Tangina, pakiramdam ko nawala bigla ang tama ng alak sa 'kin dahil sa nangyari.
I stepped backward more and pushed this bartender away from me. Nanlalaki ang mata ko, tuluyan ng nakalimutang nandito rin si Gage dahil sa pagka alarma sa nangyari.
He licked his lips, may tinatago itong ngisi bago ako pinanlakihan ng mata, parang may ipinapahiwatig. Kumunot naman ang noo ko at sinubukang intindihin ito pero hindi ko talaga maintindihan ano ang sinasabi niya!
He suddenly chuckled when someone cursed. Saka ko naalala na nandito pala si Gage! Nilingon ko ito, masama na ngayon ang tingin. Bakit ba nandito ito? Bakit nakita ko na naman ito?!
Nakakainis!
He pushed a tongue on his cheek bago humarap sa pinto at umalis na. Mukha pa itong nagpapanic pero seryoso. Ewan, hindi ko maintindihan! Seryoso ang mukha niya pero yung kamay niya habang nag hahanap ng knob ay parang nagpapanic. Agad rin itong lumabas na parang tatakbo na.
"Let's go?"
Itong lalaking ito naman ngayon ang sinamaan ko ng tingin.
"What's with you?" Inis kong sabi.
He smirked, "I don't know, saving you?" Natawa pa ito.
Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "Saan?"
"From that guy, dude," umiling iling pa ito. "It was so dramatic earlier, don't you know?"
"Ano bang pinagsasasabi mo?" Inis ko ng sabi.
Ano ba ang sinasabi niya? Ano ang tinutukoy niya? Anong dramatic?! Kainis!
He laughed, "Nothing," he bit his lips as he hid a smile. "I said I'll bring you home. You're drunk."
"Hindi na ako lasing. And why would I let you? Hindi naman kita kilala!" Nginiwian ko ito bago tumalikod dito.
Aalis na sana ako pero bago ko pa mahawakan ang knob ay nahawakan na nito ang pulsuhan ko at hinila ako pabalik sa kanya.
"I'm just being nice, okay?" He scoffed and even rolled his eyes na ikinataas ng kilay ko. "I'm Denzel by the way, nice to meet you, dude."
Naglahad pa ito ng kamay na ikinangiwi ko bago inabot iyon.
"Cha,"
He nodded and shook our hands once before letting go. Pairap akong tumalikod dito. Nawala talaga iyong tama ng alak sa 'kin dahil sa nangyari kanina. Ramdam ko naman ang pagsunod nito sa 'kin.
"I'm bringing you home, Cha." Sabi nito.
"Kaya ko ang sarili ko."
Napailing ako sa sarili ng maisip bigla iyong sigarilyo. Nahulog ko iyon kanina dahil sa paghila ng lalaking ito. Kainis.
"Nah, I'm not gonna allow you. Besides, you're not paid yet."
Napatigil ako sa paglalakad at umikot para harapin ito, gulat sa sinabi niya.
"Right!" Hindi pa ako nagbabayad sa drinks ko.
Natawa ito bago namulsa at naglakad palapit sa bar counter. Nailing ako sa sarili, nakakahiya naman iyon!
"This is gonna be on me." Iyon ang naabutan kong sabi nito matapos lumapit.
May ibinigay itong papel dun sa lalaking pumalit sa kanya kanina. Tumango naman ang lalaki bago nagpaka busy sa mga customers.
Denzel faced me, "It's now paid. Tara, uwi na kita, dude."
I frowned, "Are you flirting with me?" Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa.
BINABASA MO ANG
Ghost of a Nonentity (NOTHING SERIES #2)
RomanceSicha Leonette Trevino, a second year Chemical Engineering student who had always been known for as someone who's topping their batch. She's always serious about her studies since that's the only thing she can do... because she has no other things t...