Chapter 2

4.4K 79 8
                                    


---

"Mr. Carpinelli?" Tawag ni Sir ng walang tumayo.

Umikot ang tingin ko sa klase. Dahil nasa unahan ay kinailangan kong tumalikod para makita sila. I'm looking around kahit hindi ko iyon kilala.

I'm not even familiar with the surname!

Blockmate ko ba talaga siya last year? Bakit hindi ko kilala? Halos nakikilala ko naman ang mga kaklase ko sa mukha at syempre, ang iba ay naging kagroup kaya nakakausap ko. Pero karamihan ay hindi kahit ilang buwan kaming magkakasama sa room.

Hindi rin naman kasi ako friendly.

What I noticed in college is you're good on your own. And there's no issue if you are. Mabuti nga iyon kung ganon, eh. Mahirap rin kasi makipag kaibigan and wala rin naman akong plano.

My eyes darted to a guy who stood up. Napakunot pa ang noo ko dahil hindi talaga siya pamilyar. Naka hoodie pa ito kaya hindi ko makita ang mukha niya! Nasa last row ito, sa corner pa. Ang hoodie niya ay masyadong tinatago ang mukha.

"Hmm, there you are, Mr. Carpinelli, good to see you, again." Sabi ni Sir.

Hindi umimik ang lalaki at mukhang tumango lang. Ngumiwi ako ng konti, hindi nagustuhan ang ginawa niya.

"So, let's test your knowledge. How do you think this course, the Fundamentals of Analytical Chemistry, is related to the courses you have taken last school year?"

Napabusangot ako, ang dali dali ng tanong! Ano ba yan, bakit hindi ako ang natawag?! Kainis.

Hindi umimik ang lalaki kaya umirap ako. Mag tataas sana ako ng kamay para isteal recit niya ng magsalita muli si Engineer.

"Oh, and please show your face, we're inside."

Tahimik kaming lahat dito. Halata ang kaba sa iba, ni hindi nga ang mga ito natingin at nanatiling nakayuko lang. Ang iba naman ay nanonood at ang iba ay pasimpleng lumabas ng classroom.

Bumalik ang tingin ko sa lalaki ng gumalaw ito. Inalis niya nga iyong hood ng hoodie niya, which made my eyebrow raise a little.

Ang... bad boy tignan.

Yung buhok niya, pang bad boy! A mullet. Hindi naman sobrang haba non, sakto lang pero kung nung high school ito ay paniguradong mapapagalitan siya.

"The previous courses didn't only teach us things we should know but also developed our skills. We had a lot of researches about basic science,
pharmacy, medicine and clinical diagnosis, etcetera. It was like an introduction to a further discussion that we'll have in this course, which will be more on research about substances." Tuloy tuloy nitong sagot, tunog seryoso pa.

I pursed my lips and just listened. Akala ko hindi na sasagot! But in fairness, he's good. And the way he talks has this power and force in which, it makes you listen. There's something with it. There's authority even though he's just simply talking.

I tilted my head a little, naguguluhan sa mga naiisip. Authority? Eh parang normal lang naman iyon.

"With your answer, I assume you're familiar with an analytical chemist?" Tanong ni Sir.

Bumusangot na naman ako. Sir, I can answer, too. Bakit siya lang ang tinatanong mo?

"Yes, Engineer."

"Then..."

He pushed a tongue on his cheek bago umayos ng tayo pero namulsa. Ang kamay nito ay parehong nasa loob na ng hoodie niya. I almost looked away ng magtama ng mabilis ang mata namin!

Nawala rin naman kasi agad ang tingin niya sa 'kin. Bumalik iyon sa prof namin na nasa unahan at nakaupo sa mesa niya ng konti.

"They perform qualitative and quantitative analysis." Maikli nitong sagot.

Ghost of a Nonentity (NOTHING SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon