Chapter 39

3.3K 78 21
                                    


---

It was so awkward. After what Gage said earlier, natahimik na lang ako at natigilan. Hindi ko alam ang sasabihin. We have strangers around here, I can't tell him to stop.

Napabuntong hininga na lang ako at napatitig sa sarili. I'm now wearing a white wedding dress.

It was a long sleeve gown with a deep v-neck design on my chest. Hindi mahaba ang likod na tahimik kong ipinagpasalamat. Hindi mahirap maglalad, kung ganoon. I also have a veil now.

Tahimik kong pinagmasdan ang sarili. Mag isa na lang ako ngayon dito sa loob ng kwartong ito dahil lumabas na ang mga nag ayos sa 'kin matapos nila ako ayusan.

Bumaba ang tingin ko sa hawak na kumpol ng bulaklak sa table. It was white and yellow flowers I'm not familiar of.

Huminga muna ako ng malalim bago umalis na ng kwartong iyon. Agad ko naman nakita sa labas iyong isang nag aayos sa 'kin. Iyong palagi akong kinakausap at sinasabihan akong maganda.

Iyong dalawa kasi ay panay ngiti lang, eh.

"I'll guide you downstairs, Madame." Nakangiti nitong sabi.

I smiled, "Thank you,"

"It's an honor to do this job." She chuckled.

Nangiti na lang ulit ako. Hindi ko alam ang gagawin at tahimik na sumunod dito. Inalalayan niya ako papasok sa elevator. She even fixed my gown properly, ayaw makusot iyon kahit konti. She was so hands on. Pakiramdam ko tuloy, kahit konting detalye sa suot ay mapapansin nito.

"I feel so excited, Madame!" Tuwang tuwang sabi nito, mukhang gustong tumili.

Napanguso ako, nagpipigil ng ngiti. Nakakatuwa kasi ito. Hindi ko rin maiwasang mahawa sa excitement nito. It's as if something big is gonna happen kahit alam ko namang photo taking lang naman ito.

No one was downstairs when we arrived there. Wala nga ring maids. Baka nasa labas silang lahat? Hindi ko alam.

My heels didn't give me a hard time to walk. Hindi rin mabigat ang damit ko kaya sa tingin ko ay kaya ko naman ito kahit mag isa ako. But I'm still thankful the makeup artist helped me.

"What's your name?" I softly asked as we walked out of the house.

Papunta kaming bakuran. At maging ang likod ay may malaking pinto. It was just the same size with the front door. Pang grand entrance! Ganito kalaki ang bahay nila Gage. Hindi na rin kataka taka bakit dahil nga ay royalty ito. It's normal.

Ngayon ko lang rin napag tuunan ng pansin ang mga detalye dito sa first floor. Everything looked so expensive, and parang mga ginto! Nakakatakot tuloy baka may masira ako.

Binaba ko na ang tingin ng maisip na baka manakit lang ang leeg ko kung panay lingon ako sa paligid ng bahay. Sa sobrang laki, I don't think a wall can be seen by my naked eye without moving it.

"Brenda, Madame," parang kinikilig na sabi ng kasama ko ngayon. "We're almost there."

Hinawakan nito ang kamay ko para alalayan ako dahil mga bato na pala ang apakan dito sa labas. A road made of stones. Dahil ang bawat gilid ay puro damo na. I wanted to look around but I wasn't able to dahil nakafocus ako sa dinadaanan.

Medyo mahaba haba ang nilakad namin until Brenda stopped.

"We're here. What do you think, Madame?" Masayang tanong nito.

I glanced at her before looking at the place. My lips parted a little upon seeing the place. It... It looked magical. It was like a garden wedding. Kahit pictorial lang ay parang sa totoong kasal pa rin ang itsura nito. Hindi man lang tinipid! Talagang pinag gastusan!

Ghost of a Nonentity (NOTHING SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon