Chapter 8

3K 68 11
                                    


---

Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang dalawa. Violet's crying at mas lumala iyon ngayon dahil umiinom kami. She's sobbing so hard!

Si Beca naman ay mukhang napipikon na dahil paulit ulit sinasabi ni Vy ang pangalan ng ex niyang manloloko.

Ni hindi ko man lang alam ang nangyayari! I was shocked to know about it. Hindi naman nagsasabi si Vy kasi!

I sighed, "Kailan kayo nag break?"

Hindi ko na napigilan ang kuryosidad.

"Kanina," humikbi pa ito. "I caught him kissing a classmate. Iyong sabi niyang wag kong pag selosan!"

Napamasahe ako sa noo ko. Si Beca ay ngumiwi.

"Sinampal mo ba?" Tanong nito.

"Ofcourse! Mas maganda sanang sirain mukha niya gamit ang sampal!"

Dahil sa kalasingan ay panay turo ito sa kung saan saan bago iinom muli. Napailing na lang kami ni Beca dahil sa nakikitang sitwasyon nito.

"Ayos na yun, at least nakabawi ka na. Basta malakas yung sampal." Sabi ko.

"I slapped him thrice. But it didn't feel enough!"

"Isipin mo na lang, wala ng gago sa buhay mo." Sabi ni Beca.

"Gaga lang tapos Beca ang pangalan." Umiiyak man ito ay nagawa pa ring mag joke.

Biglang hinila ni Beca ang buhok nito na ikinasigaw niya pero ikinatawa ko. Mga baliw talaga!

"Matulog na tayo." Sabi ko.

"I'm not yet sleepy. Let's drink more, Cha!" Sabi ni Vy at nakipag cheers pa.

"Fine,"

Hindi namin nacontact si Maeve buong gabi. Okay lang kesa naman sumunod pa siya dito, diba. Anong oras na rin naman. At lasing na kami. Baka pagdating non ay tulog na kami.

We drank so hard all because of Violet. She doesn't want to stop! Lasing na lasing na kami. At nakailang suka na si Violet. Pero hindi pa rin ito natigil.

Patulog na sana ako when I heard my phone vibrate. I was contemplating if I should check it now or tomorrow na lang because I'm feeling so drunk and sleepy already.

Pero ng naging sunod sunod iyon ay kinuha ko na at binuksan ang phone. Nasilaw pa ako sa liwanag at matagal bago nakapag adjust.

I sighed when I saw a message from an unknown number. Panibagong number na naman ito.

From: Unknown Number

Sent a photo.

What's this, Cha? Is this why you broke up with me? May bago ka na? You're so heartless!

My friends were right, you play boys!

Damn you!

Kumunot ang noo ko sa nababasa. What the fuck? Ako pa talaga ang player?! Eh, siya nga iyong nagloko. I gave him a chance but he ruined it. Tapos isisisi niya sa 'kin ang pakikipag hiwalay dahil doon?

Ugh, men!

And even the photo he sent doesn't make sense. It was me and Carpinelli, eating at the cafeteria.

Maissue.

And he's acting like I'm cheating on him. We already broke up and he's the one who did so, not me! Mangsisisi pa!

Dahil sa irita ko ay nagreply ako.

To: Unknown Number

Stop twisting bullshits, Nevel. You're no hope, cheater.

Ghost of a Nonentity (NOTHING SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon