Chapter 43

3.4K 67 10
                                    


---

The whole day, hindi nga talaga ako nagpakita kay Gage. I waited until his shift is over bago umalis ng trabaho. He wasn't at the door anymore, ibang guard na ang bantay doon.

I only sighed.

Alam ko namang kasalanan ko. Hindi ko siya masisisi na nagalit ito. Alam ko na ngayon bakit siya galit, dahil umalis ako bigla. It was dangerous. He told me earlier that he's mad I left without notice. Paano daw kung may mangyaring masama sa 'kin? Mahirap kalaban ang media.

Naiintindihan ko naman. Pero hindi ko maiwasang mabother na galit ito sa 'kin.

Sa tingin ko ay iisipin ko buong gabi si Gage kaya nag aya ako ng inuman kasama sina Maeve sa club. I wanted to be drunk so I can sleep immediately tonight.

"I'm on my way," sabi ni Beca matapos kong ayain.

"Okay, ikaw na rin ang magsabi kay Vy." Sabi ko.

"Psh, she won't answer my call, Cha." Tunog iritado agad ang boses nito.

"Hindi pa rin kayo bati?"

"I doubt we will. Things are too complicated now. Mas maganda ata kung... itigil na namin ito at hayaan na talaga ang isa't isa." Malungkot ang boses nito.

I was shocked, "Ano?!"

Hindi ako makapaniwala! Anong itigil na? Sayang naman kung pareho pa nila gusto ang isa't isa! Bakit sila titigil? They obviously want to be with each other. I think they just have to talk things out.

"Akala ko ba gusto niyo ibalik kayo? Bakit... Bakit kayo titigil?"

"Maybe because nothing really happens, Cha. We're both trying pero wala, eh, puro sumbatan pa rin. Ilang buwan na ba, Cha?"

I gulped. Tumigil muna ako sa tabi ng kalsada dahil hindi na makafocus sa pag dadrive.

"Hindi ba kayo nag uusap? You two should talk properly."

"We already did, a lot of times actually. Maybe we're really not meant for each other, Cha... Dahil kung oo, hindi naman kami aabot sa ganito katagal na pagsusuyuan."

I sighed, "Do we... invite her, still?"

I'm just worried. Paano kung malala na pala ang meron sa kanila at ayaw nila makita ang isa't isa muna. I know they said they'll try to fix our friendship pero ayoko namang mahirapan sila dahil lang sa 'min ni Maeve. We can manage.

Gustuhin ko mang makasama ngayon si Vy ay okay na rin sigurong hindi muna.

"We should... She's a friend..." Marahan nitong sabi.

I nodded, "I'll call her."

"Okay, bye. Paalis na ako. See you there."

"Yeah,"

Binaba ko na ang tawag matapos iyon. I then called Violet. Akala ko sasama ito pero ang sagot niya lang sa 'kin ay...

"Pass muna ako, Cha. I have things to finish."

"Sige,"

Mukhang ayaw rin nito na sumama. Hindi ko alam kung totoo ang nirason niya o dahil nandon si Beca. Nevertheless, at least it's her decision not to come. Hindi ko pinangunahan na wag na itong ayain.

Nang makarating sa club ay nandoon na si Beca. Ang bilis naman nito sa inuman! Akala mo hindi traffic, eh.

Naabutan ko itong umiinom na. May isang bote na agad ng beer sa harap niya. Napailing na lang ako bago naupo sa harap nito.

"Marami kang inorder?" I asked.

"Yeah, let's get drunk." Natawa pa ito sa sinabi.

I sighed but still drank liquor. Sunod sunod nga ang ginawa kong pag inom ng alak. I was already tipsy when Maeve arrived.

Ghost of a Nonentity (NOTHING SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon