---I tilted my head before shaking it para matauhan. It can't be him.
Paniguradong malayo na sa hulma ng katawan niya noon ang ngayon. Duda naman akong mananatili siyang ganoon. And besides, familiar lang naman. Pero sana, hindi siya iyon. Kahit talagang wala namang possibility na siya nga iyon.
I sighed. I was easily distracted. Hindi ko maiwasan. Nabuhay bigla ang galit sa loob ko matapos maisip na si Gage iyong bumili ng gamot.
Hindi siya iyon.
Anim na taon na akong walang balita sa kanya. And I hope it continues.
I looked at the two ladies, who are my staff, who were still whispering to each other.
"I don't think it's okay to be thankful to them if they buy a lot of medicines. That just means someone needs it. Which also leads to someone who's sick." Marahang sabi ko.
Nanlaki ang mata ng dalawa na para bang may narealize.
"Hala, sorry po, Ma'am, hindi ko po naisip." Sabi ni Ava.
"Hala pasensya rin po, Ma'am, hindi po yun ang tinutukoy ko." Sabi naman ni Via.
I just nodded. I again looked at the door where we last saw the guy bago lumapit na lang sa ibang medicines. I'm gonna check our stocks.
"Lagot, sorry po, lord, hindi ko sadya." Rinig kong bulong ni Via bago pa ako makaalis.
"Ako rin, po, lord. I hope the sick get healed."
Nailing na lang ako bago marahang nangiti. It's great hearing people pray for the sick. Walang may gustong magkasakit, malala man o hindi. You can't enjoy life if you're sick.
Isa ring rason bakit gustong gusto ko talagang makabuo ng sariling gamot that can be a cure to illnesses.
Alam kong mahirap, pero kaya naman. Habang buhay ko itong pag tatrabahuhan. Paisa isa.
The pharmacy operates for 24 hours. Enough naman ang staffs na nakuha ko para dito. Mag change shifts na lang sila. Maging ang guards ay hindi ko problema. Maging iyong mga tao sa cafeteria na bahala sa food ay hindi rin.
Tuwing umaga lang rin ang trabaho ko at uuwi sa gabi. Halos wala naman akong ginagawa na ikinakabore ko pero ayoko namang iwan agad ito.
Kaya habang nandidito ay napagdesisyunan ko na lang na mag research tungkol sa mga gamot. Sunod ko namang pag iipunan ay isang malaking laboratory. Kaya ko naman na ngayon pero ayokong magpalabas ng pera agad agad. Lalo pa at hindi pa pulido ang mga plano ko. Marami pang kailangang iconsider, I have to consult professionals, too.
The next day, hindi ko maiwasang maguluhan ng may nakitang bouquet of tulips ulit. Ngayon ay nasa harap iyon ng pinto ng office ko. Nakalock iyon kaya walang makakapasok. Kaya siguro nasa labas lang iyon.
Yumuko ako para kunin iyon at pinagmasdan. It's again yellow tulips.
Naghanap muli ako ng letter. Hindi naman ako binigo nun. I saw a beige envelope.
Binuksan ko muna ang office ko at pumasok bago doon na sa letter itinuon ang pansin.
Kanino ba ito galing? Nakakapagtaka na. Mukhang pati ito ay pag iisipin ako?
Good Morning. Yellow tulips as bright as the sun, as bright as your smile, wishing this will make your day. Enjoy today's work! - Mr.
Napangiwi ako sa nabasa. Ang corny. Saan ba ito galing? Totoo kayang may secret admirer ako? Sino naman?
I just hope he remains a secret. Wala akong oras para sa lovelife na iyan at hindi rin ako open para jan. I'm better off alone, making medicines for the people. Mas may saysay pa ang buhay ko kung ganoon.

BINABASA MO ANG
Ghost of a Nonentity (NOTHING SERIES #2)
RomanceSicha Leonette Trevino, a second year Chemical Engineering student who had always been known for as someone who's topping their batch. She's always serious about her studies since that's the only thing she can do... because she has no other things t...