Chapter 12

2.7K 67 17
                                    


---

Panay tawa ito habang nagdadrive. Kanina, nung makaalis na kami sa main road ay tumigil siya sa daan.

Nagulat pa nga ako dahil hindi naman ito papuntang mall. Palabas kami ng Manila!

"Where are you taking me?" I asked, looking around.

"Sa motel," natatawang sabi nito.

Inis kong kinurot ang likod nito kaya napahalakhak muli siya.

"Tigilan mo nga ako!" Pikon kong sabi.

He chuckled, "Wait lang. Baba,"

Nginiwian ko muna siya bago sumunod. May pagka bastos talaga itong lalaking 'to!

May kinuha siyang wind breaker sa loob ng motor niya. Nakakunot noong pinagmamasdan ko ito. Nawala lang iyon ng inayos niya ang pagkakahawak non bago inikot ang kamay sa 'kin.

Nagulat pa ako dahil sa lapit namin. Konting yuko niya lang ay magtatama na ang helmet naming suot.

"Wear this, it's hot."

Ginawa ko nga ang sinabi nito. Isinuot ko iyon, dahil handa na sa likod ko ay kinailangan ko na lang ilusot ang kamay doon. Matapos iyon ay inayos niya ng konti ang helmet ko.

"Maluwag ba?" He asked.

I shook my head, medyo pero hindi gaano.

Nagulat ako ng bigla nito akong pinatingala sa kanya at hinawakan iyong helmet. Umawang ang labi ko ng maramdaman ang kamay niya sa may leeg ko. Hindi ko alam ang ginagawa niya pero nung magtagal ay naramdaman ko ang paghigpit non sa ulo ko.

"Okay na?" He asked.

I only nod, hindi makaimik dahil sa kiliting dulot ng kamay niya sa leeg ko.

"Okay, let's go?"

Inayos nito ang motor niya bago sumakay. Inabot muli nito ang kamay ko at inalalayan ako sa pagsakay doon. I held onto his shoulders immediately before he make me hug him. Natawa ito, napansin ang pagiging mabilis ng galaw ko.

"It won't be my fault anymore if you fall, huh, Cha?" Natatawang sabi nito.

"Bagalan mo lang kasi! Mabigat iyong helmet, hinahangin." Pati ako nadadala!

He laughed at me, "Just hug me tight and you'll be safe."

"Psh, walang consideration!" Parinig ko.

He chuckled bago sinimulan muli ang pagpapaandar. Ang bilis niya talaga! Bumaba na lang bigla ang kamay ko sa bewang nito para mas makakapit. Ang ulo ko ay ipinatong ko na sa balikat nito, umiiwas sa hangin.

Nagulat ako ng hinuli muli nito ang mga kamay ko at inikot iyon sa bewang niya. Nagulat ako kaya nag angat ako ng tingin pero hindi ko naman makita ang mukha nito. Alam kong nakangisi na naman siya.

Ngumiwi ako pero hindi na nagreklamo. Tseh! Sinasadya niya talaga ito!

Ilang oras rin kaming nasa daan. Hindi ko talaga alam saan kami papunta. Nalaman ko na lang nung tumigil na siya.

"Damn you, samgyupsal ang sabi ko! Why did you bring us to Tagaytay?!" Nakabusangot kong sabi.

"I missed you so in compliance with that, you owe me a date." Natatawang sabi nito kaya hindi ko magawang seryosohin ang sinabi niya.

Puro talaga kalandian ang nalabas sa bibig niya! Nakakainis!

"Sana man lang sinabi mo! Nakapambahay lang ako, Gage!" Nakangiwi kong sabi.

Bumaba na ako at sinubukan ng ialis iyong helmet pero parang nakabuhol iyon. Kumunot ang noo ko habang kinakapa iyon.

"Hmm, that's better. Hindi agaw pansin suot mo so walang kaagaw."

Ghost of a Nonentity (NOTHING SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon