Chapter 13

3K 78 16
                                    


---

Kahit malakas ang ulan ay pumunta pa rin ako sa lalaking iyon. Hindi ko maiwasang mag alala. He's gonna be sick, I know. Ang lakas ng ulan, eh! Ang lamig pa pag naka motor dahil sa hangin.

Dumaan ako sa drug store to buy medicines for cold and fever. Wala rin kasi akong stocks non.

Nang matapos ay dumiretso na ako sa condo ng lalaking iyon. Kanina pa ito tumatawag pero hindi ko sinasagot.

I knocked on his front door when I arrived at his condo. Agad naman nito iyong binuksan. Seeing him in his hoodie and jogging pants isn't new to me but I can already feel that it's different tonight. He's looking pale but with a red nose.

"I told you, I'm fine." Sabi nito sa paos na boses.

I sighed. Tinulak ko ito papasok bago pumasok. Hindi naman siya nagreklamo at naglakad na lang paatras habang nakapamulsa ang kamay sa bulsa ng hoodie niya.

"You feel hot." Sabi ko, ramdam ko kasi ang init na nanggagaling sa katawan nito by just standing in front of him.

He smirked, "Maybe because I'm hot?"

"You're not." I rolled my eyes.

Natawa ito bago sinara na ang pinto sa likod ko at naglakad sa sofa. He sat there. My eyes again roamed in his place. Walang pinagbago, parang tinitirahan talaga ng multo.

"Here," Inabot ko dito ang mga gamot na nabili.

Hindi na ako naupo, planong umalis rin agad. Gabi na kaya and it feels weird staying overnight at a men's place.

He bit his lips before he used it to point at the table, wanting me to put it there. Hindi niya nilalabas ang kamay na hindi na bago sa 'kin.

"Uminom ka na ng gamot ngayon pa lang." Sabi ko.

He nodded like a good puppy, "Okay, honey,"

Sinamaan ko ito ng tingin, nang aasar na naman. May sakit na't lahat lahat, ang trip pa rin.

"Alis na 'ko," sabi ko.

He nodded, "Bye,"

Tumayo ito, mukhang ihahatid sana ako sa pinto pero biglang nabahing. Nangiwi ako dahil hindi naman non katunog iyong bahing niya kaninang cute. Parang mas cute ngayon dahil parang pilit! Tatlong beses pa!

I crossed my arms, nakataas kilay dito.

"I feel sick, Cha, dito ka muna." Nangingiting sabi nito pero halatang pinipigilan.

"I'm no doctor, I can't cure you even if I'm here, Gage." I rolled my eyes.

"It's raining outside though." Pagrarason nito.

"May bubong ang kotse ko, hindi ako mababasa." Nakataas kilay ako, hinahamon ito.

"We— hah-chu!" Bigla itong tumalikod ng mabahing muli, malakas na ngayon. "Ugh, shit."

Bigla itong naglakad papasok sa kwarto niya na ikinakunot noo ko. I waited for him to go out. Hindi naman iyon nagtagal. He's holding a tissue now.

"Okay, uwi ka na. Baka mahawa ka pa dito." Sabi nito, hindi na lumapit.

Nagtaas kilay ako at pinagmasdan ito. He looked so pale. Hindi siya moreno at hindi rin siya sobrang puti, tama lang ang kulay niya kaya halata pag namumutla.

"Uminom ka na ng gamot." I sighed.

Tumango lang ito. Kinuha niya iyong dala ko at tinignan ang mga iyon. Kita kong napakagat labi ito bago binalik iyon sa paper bag at nilingon ako. He sat on the sofa and crossed his arms, ipit ipit ang kamay.

Ghost of a Nonentity (NOTHING SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon