---I stood up when more tears fell down my cheeks. Hindi ito umimik at hinayaan ako.
Alam kong marami pa siyang gustong sabihin pero hindi ko na kayang makinig. Ang sakit sakit balikan ang nakaraan. Tapos malalaman mo pang iyong ikinasira namin ni Gage ay hindi pala totoo. I was never his toy.
Akala ko ba mahirap ako magtiwala? Bakit... Bakit naniwala agad ako sa sinabi ng babaeng iyon?
Nang bumukas ang elevator ay agad akong pumasok doon. I pressed the second floor to go back to Gage's room. Nang makarating doon ay agad akong napaupo sa kama. Napahilamos ako sa mukha at naiyak na lang ng sobra.
Hindi ako makapaniwalang kasinungalingan ang nagtapos sa kung anong meron sa 'min ni Gage. It ruined the both of us. Nasaktan kami ng sobra. And that pain was the reason we... lost a child.
Ang lala ng naging epekto ng kasinungalingang iyon.
And all I get now is sorry? As if... as if it can take all the pain and suffering. Sorry for lying and that's it.
Wala naman iyong magagawa! Wala na iyong magagawa!
Natigilan ako sa paghikbi ng marinig ang pagbukas ng isang pinto. Tingin ko ay iyong banyo iyon dahil agad nangamoy dito sa loob ang amoy ng body wash ni Gage.
Pinilit kong wag gumalaw o huminga sa takot na mapansin nito na umiiyak ako.
But... maybe, I was stupid to think he won't notice. Rinig ko ang mabilis nitong pag hakbang papalapit.
"What's wrong?" Nag aalala ang boses nito.
Naramdaman ako ang pag hawak niya sa pulsuhan ko pero agad kong inilayo ang kamay, pati ang mukha dito dahil ayaw kong makita niya ang luha ko. Kahit alam kong alam niya ng umiiyak ako.
"What happened?" He softly whispered, "Who messed with you?"
I shook my head, not wanting the attention he was giving me.
Naiiyak lang ako.
Narealize ko kasi bigla na pinakawalan ko si Gage dahil sa isang kasinungalingan. He has a fiancé, yes, pero kung hinayaan ko itong mag explain, I know we would have cleared things out. Hindi... Hindi sana ako naniwala na laruan niya lang ako at... hindi sana nawala ang anak namin.
I didn't realize I was crying hard on his shoulders already. He just suddenly wrapped his arms around me tightly. Marahan pa nitong hinahaplos ang ulo ko habang nakabaon ang mukha at kamay ko sa dibdib niya.
"May nag away sayo, Cha?" Marahan nitong tanong. "Tell me, please..."
I shook my head. Ayokong sabihin. Nagagalit ako sa sarili ko at sa Anikka na iyon. She... She's the reason for this all. She's apologetic but does... does it make a difference?
I sobbed with my thoughts. Ang sakit talaga.
"You're making me worry, baby, tell me what's wrong?" He pleaded. "You want to go home? Okay... I'll bring you home now. Let's sue all those people in front of the gate so we can get out. Hmm?"
I shook my head again, telling him I don't want him to do it. Nababaliw na ata siya, hindi naman pwedeng kasuhan ang media unless they did something bad. Pero hindi ko alam kung pwede kasuhan sila sa ginagawa nila sa labas.
"Bitawan mo nga ako." Halos bulong kong sabi, pigil ang hikbi.
I felt him shake his head and tightened his hug, not wanting to let go.
"Please..." I whispered, "I want air."
Napasinghap ito bago dahan dahan ng bumitaw. Iniwas ko ang mukha pero hindi pa rin inaalis ang mga kamay sa mukha.

BINABASA MO ANG
Ghost of a Nonentity (NOTHING SERIES #2)
RomanceSicha Leonette Trevino, a second year Chemical Engineering student who had always been known for as someone who's topping their batch. She's always serious about her studies since that's the only thing she can do... because she has no other things t...