---Uh, well... that was awkward.
Hindi ako umimik matapos iyong nangyari. Hindi ako kinilig pero tama siya, I felt something.
Hindi ko nga lang matukoy kung ano iyon. Walang pagbilis ng tibok ng puso o kilig na kung ano man, hindi iyon ang naramdaman ko. Hindi ko alam kung ano iyon pero meron.
Maybe the softness of his lips? The feeling of it against mine? The tickling and slight tingling sensation I felt? Hindi ko sigurado.
But that unknown feeling made me feel awkward a little.
Hindi naman ako against sa halik na iyon dahil, bakit pa? Nakuha niya na ang unang halik ko and it was accidental pa. Kaya wala akong masisi. Iyong ikalawa, hindi ko naman ito pinigilan. I even let him move his lips, to kiss me longer.
I sighed, ugh, hindi maalis sa isipan ko iyong halik!
Kahit nag lelesson ay nandoon pa rin ang isip ko, kung wala naman ay minsan nasa presensya ng katabi ko. Tuwing nagalaw ito, napupunta sa kanya ang atensyon ko. It made me feel alert with his movements.
Hindi dahil binabantayan ko kung manghahalik ba ito o hindi, pero naging alerto lang talaga ako. It's as if I'm waiting and watching his every move.
Nang matapos ang klase ay napabuntong hininga ako. Oh god, magkakasama ba kami? Edi kailangan namin mag usap niyan! Anong sasabihin ko?
Pakiramdam ko bigla akong napipi at hindi na alam paano magsalita.
Matagal ang naging pag aayos ko ng gamit, wala naman akong naisulat dahil hindi nga nakinig. He was just beside me, waiting for me to finish. Kainis naman, sinasadya ko nga na patagalin para mauna na ito, eh.
But he didn't, instead, he's watching me. Pakiramdam ko, sobrang sensitive ako bigla sa tingin nito. Parang napapaso ako at hindi maiwasang maapektuhan ng konti.
Pero hindi ko iyon pinapahalata. I looked calm.
Nang matapos ay tumayo na ako. Agad rin naman itong tumayo.
Dalawa lang ang klase namin ngayon, parehong hindi major at konti lang ang units kaya hindi abot dalawang oras ang bawat klase.
"Cha," tawag nito.
I bit my lips before looking at him, "Hmm?"
"Galit ka?" Nag aalalang tanong nito.
I looked away before shaking my head as a response. Galit? Hindi. I just... feel a little weird about the kiss.
Ito ba 'yon? Ito ba yung feeling na gustong gusto ng mga nagkaroon na ng experience sa halik?
Pero kahit nahalikan na ito ay hindi ko pa rin matukoy kung ano iyon. Maybe because I'm not familiar with the feeling the reason why I can't determine it.
"Then why are you not talking to me?"
Hinawakan nito ang kamay ko at marahang hinila kaya napatigil kami sa paglalakad at nagkaharapan, nagkatitigan.
"Hindi naman talaga ako palasalita, ah?" Nagtatakang sabi ko.
He made a face bago pabirong inirapan ako.
"You even became soft spoken, Cha!" Nakabusangot nitong sabi.
I crossed my arms and looked at him sharply.
"So sinasabi mong naging pabebe ako after mo 'kong halikan?!" Singhal ko.
Ngumuso ito, nagpipigil ng ngiti bago tumawa na ng hindi iyon mapigilan. Baliw!

BINABASA MO ANG
Ghost of a Nonentity (NOTHING SERIES #2)
RomanceSicha Leonette Trevino, a second year Chemical Engineering student who had always been known for as someone who's topping their batch. She's always serious about her studies since that's the only thing she can do... because she has no other things t...