Chapter 9

3.2K 63 4
                                    


---

Ipinang takip ko sa mukha niya ang unan na hawak dahil sa irita sa sinasabi nito. Oh my god, what's really wrong with this guy?!

I then stood up para umalis na. Wala naman akong planong mag stay dito. I only planned to fix things with Nevel.

"You're going?" He asked nakasunod agad, hindi pa nga ako nakakalabas ng condo.

"Yeah,"

"I'll bring you t—"

"I can go home alone." Agad kong pigil sa sasabihin nito, hindi interesado.

"Until the parking lot only, Sicha. That ass might still be here." Sabi nito.

I sighed. Nilingon ko siya bago inirapan. Naiinis ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

Tseh! Ako, nakapout as if I wanted to be kissed? Really? Ako pa talaga ang sasabihan niya non? Ni hindi nga ako interesado sa halik o manghalik man lang!

Ugh, boys and kisses, there's really something with them.

Ang lalaki, parang hindi mabubuhay ng walang halik! O higit pa! They act like life revolves around it. Eh, hindi nga iyon nag eexist noong unang panahon, yet relationships before were strong.

So I know those things are not needed in relationships. And, ano ba ang makukuha nila sa halik? Wala naman.

It was a long drive back to my condo. Nakakainis, I should be relaxing today as it's a Sunday. Pero dahil kay Nevel, hindi ko man lang naenjoy iyon. Konting oras lang naging tahimik ang mundo ko.

Kinaumagahan, dahil may klase ay maaga muli akong nagising. Nag work out muna ako bago nagprepare na papuntang school. It's now a new routine for me everytime I wake up early.

Malapit na ang exam week kaya pagkatapos ng klase ay sa library ang diretso ko. Si Carpinelli ay hindi sumama na ikinataka ko dahil akala ko ay sabay kaming mag aaral. Pero ayos lang, mabuti nga iyon ng hindi kami maissue ng kung sino.

Kaya rin siguro hindi ito sumama, umiiwas sa gulo. Maybe he realized going with me is messy. Not that it really is as this is the first time it happened but... if not because of me, hindi naman magugulo ang Sunday niya kahapon.

It was already four pm when he suddenly sat beside me. Nagulat ako ng makitang si Carpinelli iyon. It's been hours since our classes ended.

"What are you doing here?" I asked.

His brows furrowed, he even stopped getting a book from what I already finished.

"I thought we had an agreement?" Nagtataka nitong sabi.

"But... uh, tuloy pala iyon?"

"Ofcourse. May pinuntahan lang ako. Don't tell me nag tampo ka agad, Sicha?" Nakangisi na ito ngayon at puno na ng pang aasar ang mukha.

Bumusangot ako, hindi gustong masyado siyang maissue.

"Bakit ako magtatampo?! I was just asking! I thought you're avoiding messy things." I rolled my eyes and ignored him now.

He chuckled, "My life is messy already so I'm used to it. Don't worry, what happened yesterday isn't even one-eight of it."

Napailing na lang ako at hindi na ito pinansin. Ayan na naman kasi siya sa mga sinasabi niyang hindi ko naman maintindihan. How would I know the things he's telling. Hindi ko naman alam ang tinutukoy niya kaya paano ko maiintindihan, diba?

We study silently. Wala itong dalang papel kaya nanghingi muli ito. Tanging ballpen lang ang dala niya. Wala rin itong bag. Grabe, napaka schooling, ah.

Ghost of a Nonentity (NOTHING SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon