Chapter 42

3.6K 66 2
                                    


---

Naging mabilis ang pag lipas ng araw. Hindi pa rin kami makalabas dahil sa media na nasa labas pa rin. I don't know what they need, really. Bakit hindi sila umaalis? God.

Halos dalawang linggo na ako dito kina Gage. Nag aalala na ako sa pharmacy ko dahil kakasimula ko lang non tapos napapabayaan ko na agad. Good thing Gage sent someone there. He hired someone to be specific. Ginawa niyang manager doon.

Desisyon!

Pati security guard na papalit sa kanya ay naghanap rin siya. Hindi lang isa, marami. Meron sa parking lot, sa pinto, at sa taas. I don't even see the need!

"Saan ka galing?" Tanong ko dito ng pumasok siyang kwarto.

I just woke up and he wasn't in the sofa. Maaga pa naman pero gising na agad ito.

"Trained with guns." He answered.

Namilog ang mata at labi ko sa gulat. "Seryoso ka talagang marunong ka non?"

He pouted, "You didn't believe my records?"

"Well... uh, konti?"

Bumusangot ito bago naglakad palapit, may towel itong hawak hawak at pinupunasan ang pawis niya. Nakaupo pa rin ako sa kama kaya nang tumigil siya sa tapat ko ay nakatingala ako sa kanya.

Nakasando lang ito revealing his biceps. Nakahawak pa ang isa niyang kamay sa bewang and he looked so manly in that position. Ang isa ay nagpupunas ng pawis sa leeg.

"Psh, do you want me to show you? So you'll believe me." Sabi nito.

I shook my head and looked away, "I believe you now."

"I don't think so."

Nagulat ako ng bigla nito akong hinila patayo. Napahawak ako sa dibdib niya para mapigilan ang mabunggo sa kanya. His slips slowly formed into a smirk upon seeing how awkward I am with us in this position.

"C'mon, I'll show you." Nangingiti nitong sabi.

"Saan?" Nakabusangot naman ako. "I'll bathe first."

"Yes, we'll do that first." Marahan nitong sabi.

My eyes widened at what he said. Nanlaki rin ang mata nito ng marealize ang sinabi bago natawa na lang.

"I mean, we'll do what you have to do, first." Nangingiti nitong sabi.

I jokingly rolled my eyes at him bago ito itinulak palayo.

Pumasok na ako sa banyo matapos non. I bathe first then change into more sporty clothes. A fitted tank top and dolphin shorts. Halos wala namang iba.

Si Gage ang nagpabili ng mga damit ko ngayon dito na nasusuot.

Nang makalabas ay si Gage naman ang nag shower. Ako ay bumaba na para sana bumati sa mga magulang niya but I didn't find them. Si Grant and Anikka ay hindi naman gaanong lumalabas ng kwarto. Tuwing kakain lang tapos kwarto muli or sa rooftop. They're always with their baby.

Halos hindi rin kami nagpapansinan ni Anikka. Naiinis pa rin ako sa ginawa nito kahit alam kong pinagsisisihan niya na iyon.

I'm trying to forgive her though.

Habang iniisip ko iyon ay sa tingin ko kaya ko naman. Mahirap nga lang pero kaya ko naman itong mapatawad. Wag lang ngayon.

It wasn't long before Gage followed me downstairs.

"No one's here?" I asked.

"I'm not sure." He shrugged, "Maybe they're upstairs or still asleep."

I only nodded at him. We ate breakfast because of what we planned to do after.

Ghost of a Nonentity (NOTHING SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon