Chapter 3

3.6K 86 19
                                    


---

"This is all your fault!" Hindi ko maiwasang sisihin siya.

Paano ba naman kasi, hindi niya na lang ako hinayaan. I'm holding the flask already so it means I wanted to do it! Kaya bakit niya aagawin, huh?

Nakakainis!

Wala ba siyang common sense?

Because of it, we got a minus point and is asked to do a service on Sunday! Which means we'll clean somewhere! Dahil hindi naman namin daw kailangan palitan ang nabasag ay kailangan na lang naming maparusahan.

And that's the punishment!

Cleaning!

So bullshit!

Nakakainis talaga. Hindi na rin kami pinayagan pang gawin ang activity. Sa sunod na Sunday na lang daw para siguradong magpapakita kami. Kainis talaga!

Nang pumasok na muli ang prof namin sa loob ay nilingon ko si Carpinelli para samaan ng tingin. Mukha rin itong iritado pero hindi naka tingin sa 'kin.

"I wanted to finish this already but not in this way." Mariin nitong sabi ng maramdaman ang tingin ko.

"If you just let me then it wouldn't have happened!" Iritado ko ring sabi.

"I told you, there are other things to do. Bakit kailangan mong mang agaw?"

"Bullshit, you took it from me first!"

"So childish, Trevino."

He shook his head as if he's so disappointed. My lips parted, gustong insultuhin siya pero hindi nagawa dahil sa huli nitong sinabi. Sinulyapan nito ako ng isang beses bago namulsa at iniwan na ako roon.

My jaw clenched as I watched him walk out in front of me.

Childish? Really?!

Napasinghap ako at nailing sa sarili. Pumasok ako sa loob para kunin ang mga gamit bago lumabas muli. All our blockmates even looked at me when I entered. Wala ako tinignan niisa dahil sa iritasyon.

Sa banyo ako dumiretso para kalmahin ang sarili. I washed my face, nagpapalamig ng ulo.

Childish? Right. I really am being childish.

Napahinga ako ng malalim.

Hindi ko maiwasan. Everytime he's near me, he triggers something within me! Parang... may something sa kanya na ikinaka threaten ko. Basta basta na lang natitrigger whenever he's near.

Naiinis na lang ako bigla.

I shook my head in annoyance with myself. This is so not it, Sicha Leonette. You can't be like this.

Dahil sa mga napansin at narealize ay napagdesisyunan kong... lumayo layo kay Carpinelli kahit hindi naman talaga kami nagkakasama. I tried my best to not look at him, to not make a face whenever he's called and to not even glance.

Mahirap dahil talagang naiirita ako sa kanya!

Kahit tumayo lang siya o makita ko siya sa peripheral view ko ay naiirita na ako ng sobra.

Kainis naman, eh. Hindi naman ako ganito. Kalmado lang naman ako! Pero dahil sa lalaking to na nakakaubos ng recit points every session kay Engineer ay naiinis ako.

Nang dumating ang sunod na Linggo, in which we'll clean and do our activity, ay sinistema ko muna ang sarili ko dahil makakasama ko na naman siya.

Napataas ang kilay ko ng konti ng kakapasok pa lang sa room ay nakita ko na ito. Nakaupo ito sa upuan, nakapangalumbaba sa mesa at iniikot ikot ang phone niya. Nandoon rin ang tingin niya.

Ghost of a Nonentity (NOTHING SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon