---
Napasinghap ako ng tuluyan ng bumukas ang plane. Everyone held onto something as the wind entered the plane. Even Gage held onto what's above him. Hindi ko na iyon chineck pa dahil sa kaba.
Pakiramdam ko talaga ay sobrang namumutla na ako, hindi na rin ako makaimik at tulala na lang kay Gage na ngayon ay umikot at hinarap ako.
He licked his lips bago binigyan ako ng ngiti, an assuring smile.
"I'm gonna be fine, Cha. Let's see each other after a few minutes." Marahan nitong sabi.
I bit my lips, hindi makaimik at naiiyak na lang sa kaba. Hindi ako nagsalita at nanatili lang ang tingin dito. He gave me a wink before letting go and leaning back na ikinahulog niya.
Nanlaki ang mata ko, agad akong tumayo pero dahil sa seatbelt ay agad napaupo. I groaned because it hurts.
Sinara agad iyong pinto pero nakasilip ang iba sa bintana. Agad kong tinanggal ang seatbelt para makasilip rin. The plane changed direction para makita namin ng mas maayos si Gage.
I was biting my lips the whole time, sobrang takot at kinakabahan. Bwesit na Gage!
Ilang segundo ng tahimik dito sa plane, hindi ko alam ang gagawin, hindi rin ako makaimik! Nanatili ang tingin ko sa ibaba kahit hindi ko naman matanaw si Gage. Nasaan ba siya? Wala akong makitang parachute!
"Sir, kailangan niyo na pong buksan parachute niyo." Rinig kong sabi ng isang kasama dito na ikinalingon ko.
Mas tumindi ang tibok ng puso ko sa kaba dahil sa narinig. Natulala ako, hindi man lang makapag salita para magtanong.
"Sir, buksan niyo na po." Sabi pa nito.
Napasinghap ako at lumingon muli sa baba kahit walang matanaw. Sobrang taas namin, pakiramdam ko mahihimatay ako pag nahulog ako. O kahit tumingin man lang ay pakiramdam ko nanghihina na ako! Ugh, badtrip na Gage, siya may kasalanan nito.
"Sir, ngayon na po, buksan niyo na po." Ulit pa nito.
Ramdam ko ang panlalambot ng tuhod ko pero hindi iyon naging hadlang sa 'kin para lumipat ng pwesto. Pumunta ako doon sa kanila at sumilip rin sa bintana. Someone moved away to let me pero iyong panay salita ay hindi umaalis."Where is he?" Halos bulong kong tanong.
Nakakatakot na ng sobra. Sana hindi na pala ako sumama. Sobrang nakakapanghina makita lang ang layo namin sa lupa. Pakiramdam ko talaga ay mahihimatay ako, sobrang nanghihina at nanlalambot na rin ang tuhod ko!
"Sir? Delikado na po kung hindi niyo pa bubuksan. Pakiusap..."
Napapikit ako ng mariin sa narinig. Nang magmulat ng mata ay agad nakita ang isang maliit na bagay na parang bumuka galing sa ibaba. Narinig ko ang paghinga ng malalim ng mga kasama.
Napasinghap ako ng hangin bago lumapit sa upuan at naupo, tuluyan ng nanghina.
I fucking hate that guy, why did it take him so long to open the parachute. Alam niya namang delikado! Nakakainis! Nakakainis ng sobra! Tangina mo, Gage!
Napapikit ako ng mariin at napahawak sa puso, sobrang nanakit iyon dahil sa kabang naramdaman. Hindi ko rin namalayan na namumuo na pala ang luha sa mata ko. Sobra talaga akong natakot.
Gage is... someone who's important to me.
Ilan lang sila na pinapahalagahan ko sa buhay ko kaya hindi ko kakayanin kung mawawala ito. Kahit sino pa man, hindi ko kakayanin.
Apat lang sila sa buhay ko, my girls and him. Hindi na sana siya pumasok sa buhay ko kung aalis lang rin naman siya!
Pumikit muli ako ng mariin at suminghap, nagpapakalma. Pero kasabay rin non ang pag tulo ng luha ko. I wiped it pero naging tuloy tuloy iyon.

BINABASA MO ANG
Ghost of a Nonentity (NOTHING SERIES #2)
RomanceSicha Leonette Trevino, a second year Chemical Engineering student who had always been known for as someone who's topping their batch. She's always serious about her studies since that's the only thing she can do... because she has no other things t...