Chapter 14

3K 80 39
                                    


---

"Huh?!"

Natulala ako dito. Ayan na naman siya sa halik! Ano ba talaga ang meron sa halik na hindi maalis alis sa bunganga ng lalaking ito?

Hindi ko tuloy alam kung  nantitrip lang siya o totoong gusto niya talaga akong halikan.

"Shhhh!"

I blinked a few times when students inside the library hushed me at the same time. Mas itinago ko ang mukha, nahiya sa ingay ko.

Gage chuckled, "You're noisy, Cha."

"Ikaw kasi!" Bulong na pasigaw kong sabi.

Ang bunganga niya kasi, puro halik ang nalabas na salita.

"I'm just saying," nangingiting sabi nito. "Won't you?"

I bit my lips, tinitigan ko siya. Wala sa tanong niya ang isip ko. Ang naiisip ko ay kung bakit gustong gusto niya ang halik at bakit hindi iyon maalis alis sa mga salitang sinasabi niya.

"Hindi... ko alam." Nakakunot noong sabi ko.

Hindi pa nga ako nakahalik sa kung sino tapos itatanong niya ito? At ano ang tinutukoy niya na mararamdaman ko sa halik niya? Kilig? Malakas na tibok ng puso? Is this his way of asking if I have feelings for him?

"You want to know?" He whispered, nakakagat labi.

Tinitigan ko ito ng mabuti. Halos maduling na kami dahil sa lapit ng mukha sa isa't isa. Hindi ako nakaimik dahil nawala na ako sa brown na mata nito. Maganda talaga iyon titigan tuwing nasa liwanag.

My gaze unconsciously followed his movement. Lumapit pa ito lalo at yumuko, mukhang may idinampi malapit sa labi ko. Napakurap kurap ako, late na nung marealize na hinalikan ako nito sa gilid ng labi ko!

Namilog ang mata at bibig ko sa gulat. Siya ay seryoso ang tingin, mukhang pinag aaralan ang ekspresyon ko.

Nagkatitigan kami ng matagal. Hindi ako nakapag react, nanatili akong tahimik kahit natauhan na.

Hindi ako apektado maliban sa gulat, iyon ang sigurado ako. Iyon ang natanto ko dahil sa ginawa niya.

He bit his lips bago ngumuso, "Did you?" He said in a low voice.

Nakaangat pa ng konti ang mukha nito at konting yuko lang ay tatama muli ang labi niya sa mukha ko, pero ngayon ay baka sa labi na mismo.

Ang mata nito ay pinapadaanan ang mukha ko habang ako ay nanatiling nakatingin dito, nakaawang ang labi dahil walang mabuong salita.

I cleared my throat para matauhan, "Wala akong naramdaman."

"Ouch, Cha, broken na ako." Natatawang sabi nito.

I raised him a brow pero natawa rin. He looked cute.

"Sa wala, eh." I shrugged.

"Hmm, I'm sure if it's on the lips, you'll feel something." Siguradong sabi nito, nakangisi pa.

I raised him a brow, hinahamon ito. Hindi na ako nag salita at ang nakangising ekspresyon ko na lang ang naging sagot ko.

Yumuko ito ng konti, nakakaduling na ang lapit nito. I gulped, sobrang lapit niya, ng presensya niya. Ramdam na ramdam ko iyon pero hindi ko mahanap kung ano ang sinasabi niyang epekto.

"Ayos lang?" Tanong nito sa mahinang boses.

Bumaba ang tingin ko sa mapulang labi nito bago sa mata niya ulit. Hindi muli ako nagsalita, hinahayaan siyang magconclude ng kung ano.

Dahil hindi ko naman alam ang isasagot ko. I don't like kissing because I feel like it's something sacred or should be really shared if you love each other. Pero dahil sa lalaking 'to! Na laging bukambibig iyon! Napapaisip ako, it's too common now in our generation.

Ghost of a Nonentity (NOTHING SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon