Chapter 23

3.4K 82 17
                                    


---

Kita ko ang pamumula nito. Kulang na lang ay maging kakulay ng leeg at mukha niya ang suot na damit!

I chuckled because I caught him off guard.

"Kanina ka pa dito? Bakit hindi ka nagsabi."

"I want you to take your time." He pouted.

I bit my lips and nodded. Inabot ko ang kamay nito bago niya pa ako maunahan. I pulled him to the elvator. Agad namang humigpit ang hawak nito sa kamay ko at mas lumapit pa ng makapasok na kami ng elevator.

"Do you want to eat first before going?" He asked when we're about to ride his car.

"May pagkain naman doon. Ikaw ba, are you hungry?" I asked back.

"No," sagot nito.

I just nodded.

Mabuti at hindi naman kami nalate sa event kahit medyo traffic. It is held in a hotel. Hindi naman sobrang layo kaya hindi naging mahirap ang pag punta doon.

"Let's go?" Aya nito, inabot pa ang kamay matapos akong pag buksan ng pinto.

I nodded and reached for his hand. Nagulat ako ng inikot niya iyon sa bewang ko at humawak rin doon habang naglalakad kami papasok ng hotel.

Sa may bandang likod at corner na table kami naupo. The lights were dim, kaya mas madilim dito sa parteng ito. Mas gusto ko nga rin dito dahil hindi gaanong exposed sa mga tao. I have no reason to expose myself, too.

Matagal bago nagsimula ang program. Nagkaproblema kasi sa MC dahil wala pa yung isa pero nung nakahanap na ng kapalit ay nagsimula na.

There were a lot of intermission numbers from different clubs. Yung nasa drama club na kadepartment ko ay nagkaroon ng performance. May mga sumayaw at kumanta rin.

I enjoyed watching pero madalas ay nakay Gage ang atensyon ko dahil sa kamay nitong nasa hita ko at marahang humahaplos doon. I don't even know if he's aware of his hand there pero masyado itong seryoso na nakatingin sa unahan.

When dinner came, saka lang kami tumayo. It was already eight pm kaya gutom na ang karamihan. After this, sayawan na. Maybe uuwi na ako dahil wala naman akong planong makipag sayawan sa gitna.

Maglalakad na sana ako papuntang buffet ng pigilan ako ni Gage. I looked at him.

"I'll get food for us. Stay here." Malambing nitong sabi.

"Kaya ko naman."

"I want to." He pouted. "Sit, my baby, I'll get our food."

Sinamaan ko ito ng tingin dahil sa tinawag nito sa 'kin. Nakakainis kasi nararamdaman ko agad ang pamumula ng pisngi ko dahil doon.

Hindi na ako nagreklamo pa at naupo na nga lang muli. He chuckled when I went silent. He even bent to kiss my cheek bago naglakad na palayo.

Nailing na lang ako. Damn, Gage, masyado talaga siyang sweet.

I watched him get food. Ang seryoso niya tignan, wala ring nililingon. It feels weird because he looked like a serious guy pero may hawak na dalawang pinggan. Nakapila rin ito. I can see some girls staring at him, ang iba ay nakaawang pa ang labi. Napabuntong hininga na lang ako.

Hindi ko matukoy kung kaya ba ganon ang reaksyon nila ay dahil ngayon lang nila nakita ng tuluyan ang mukha ni Gage or dahil gwapo talaga ito at sobrang nakakalaglag panga ang kagwapuhan.

Lalo na pag seryoso ito.

Sobrang lakas ng aura niyang bad boy. Iyong matamaan mo lang siya ng kaonti, parang aawayin at bubugbugin ka na. No matter how clean he looks right now, his earrings made his aura stand out. If not for it, magmumukha lang si Gage na normal na seryosong lalaki.

Ghost of a Nonentity (NOTHING SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon