Chapter 30

28.5K 894 155
                                    


Sugar

Akala ko wala ng maisasakit pa sa ginawa niya sakin dati. Ang gamitin ako ng paulit ulit at ipagtabuyan.

Ano ba role ko sa mundo?

Ang gawing panakip butas o parausan lang ba?

Maihahanlintulad lang ba ako sa isang bagay na pagkatapos gamitin at pagsawaan ay pwede na itapon at ipamigay sa iba?

Umibig lang naman ako eh.

Pero hindi ako na inform na ang umibig sa isang tao ang siyang dudurog sakin.

Ang piliin ko na maging masaya ang siyang magpapagunaw ng mundo ko.

Oo aaminin kong naging marupok ako.

But you can't blame me. I was so captivated by her that I could be her slave for the rest of my life. That I'm willing to forgive her again and again, even if she hurts me.

Pero hindi na talaga kinaya ng puso ko ang basta na lang tanggapin at intindihin ang nasaksihan ko kanina.

Yung mga sinabi niya kahapon ay kasinungalingan lang ba lahat ng yun?

Lahat ba ng ipinakita at ipinaramdam niya sakin ay pawang pagpapanggap at panlilinlang niya lang para bumigay ako sa gusto niya?

Dahil kung oo ang sagot sa lahat ng iyon ay magaling na impostura nga siya at napakatanga ko naman para mag bulag bulagan.

-

Hindi ko na namalayan kung ilang oras na akong nakaupo sa sahig at walang tigil sa pag-iyak. Nakatunganga parin ako dito sa lapag at parang namanhid na ang buong katawan ko sa tindi ng sakit.

Sobrang gulo ng isip ko at wala akong maisip na matino kung paano humantong sa ganito ang sitwasyon ko.

Di ko lubos maisip na kayang gawin yun ni berry sakin matapos ang lahat lahat ng pagtatyaga ko sa kanya.

Kinaya kong tanggapin ang sa pagitan nila ng asawa niya. Pero itong nakita ko kanina ay hindi na matanggap ng sistema ko.

Hindi pa pala ako sapat para sa kanya.

Kung sabagay.

Baka lalaki parin talaga ang gusto niya at hindi ang isang katulad kong kakaiba ang kasarian.

Hindi ang isang tulad kong wala pang nararating sa buhay at ang tanging alam lang ay ang landiin siya.

Ang mahalin siya higit pa sa pagmamahal ko sa aking sarili.

Sobrang sakit dahil umasa ako na baka bukas o sa makalawa maging kami na. Pero hindi na nga inabot ng isang araw ay parang nakapag desisyon na ito.

Yun ang paasahin ako ulit at basta na lang iniwan sa eri ng mag-isa.

No calls or mesaage man lang para e-inform ako na nagbago na isip niya.

Umasa ako na kaya niyang suklian ang pagmamahal ko sa kanya.

Palagi na lang akong umaasa sa wala.

Tama nga siguro.

She just used me.

Ginamit niya lang ulit ako na panakip butas dahil wala na sila ng asawa niya.

Ako muna habang naghahanap pa siya ng lalaking pwede niyang makasama sa pangalawang pagkakataon.

Parang napupunit ang puso ko sa kaisipang yun.

Nagbabadya na naman ang mga luha sa aking mga mata.

Sa totoo lang nakakapagod ng umiyak.

Mrs. Lhust (Marupok Series#1) [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon