Chapter 25

25.6K 618 44
                                    

"I-Im s-sorry, I-I I'm sorry Anak"utal   niyang sabi habang umiiyak.

Natuod ako sa aking kinatatayuan ng marinig na tawagin ako nitong anak.

Nanikip ang aking dibdib at kusang tumulo ang mga luhang hindi ko mapigilan.

Hindi ko sigurado kung ano itong nararamdaman ko. May parte sakin na nagtatampo ako sa paglilihim niya pero mas ramdam ko ang tuwa sa aking puso na malaman na siya ang nanay ko na ni minsan di ko na inasan na babalik at magpapakita pa sa akin.

"I-I was not supposed to meet up with Mr. Hardford that time a-and I even asked my secretary to cancel my meeting with him that day. B-But she said you were with him, that's why I came running into that restaurant just to see you and talk to you for the very first t-time."paliwanag niya habang umiiyak parin.

"You know, that's the happiest moment of my life—to see you and hug you after 21 years."hagulgol niya sa harapan ko.

Bigla akong nakaramdam ng awa at pangungulila sa kanya kaya walang ano anong dinaluhan ko ito at niyakap ng mahigpit.

"I-I'm sorry. I-I realize it's too late. But please, let me fill up those years I miss being your mother. I won't ask you to forgive me right now, but allow me to show you how much I love you, Anak."sambit niya ng may pagmamakaawa sa akin.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya bago magsalita.

"Hindi ko po alam kung kaya kitang patawarin at tanggapin agad"sagot ko sa kanya. Mas lalo siyang naiyak sa sinabi ko kaya nagpatuloy ako.

"Ang ibig ko pong sabihin ay depende po yun kung anong rason niyo para iwanan na lang kami basta ni Mami. At kung bakit sa sobrang tagal ng panahon na lumipas ngayon niyo lang naisip na magpakita sa amin ulit. Makikinig po ako sa mga paliwag mo at pipilitin ko na intindihan ka dahil ramdam ko na sobrang buti niyo pong tao at hindi niyo basta gagawin sa amin yun ng walang dahilan"mahinahong sabi ko sa kanya. Ngumiti ito ng bahagya sa akin at patuloy parin na umiiyak.

"I will tell you everything, Anak"Kumalas kami pareho sa pagkakayakan.

Sumeryoso ang mukha niya habang taimtim parin ako na nag-aantay sa kanyang sasabihin.

I already prepared myself to listen and understand whatever her reason is. I know she was suffering too, and it's clearly visible in her eyes. She's human too, and its inevitable to commit a mistake. Kung sakali man na may mali talaga siyang nagawa.

-

Kweninto niya lahat ng nangyari sa past kung bakit hindi niya pinili si mami at basta niya na lang kami iniwan.

Nagmamahalan sila ni Mami ng nga panahon na iyon at pumayag pa siya na magpabuntis dito dahil ginusto niya na magkaroon sila ng masayang pamilya.

Siyam na buwan na ako sa sinapupunan niya ng malaman ng mga magulang ni mami na nakikipag relasyon siya dito at tutol ang mga ito lalo pa't nalaman nilang nakabuntis ang kanilang anak.

Intern si mami sa restaurant na mina manage niya at nasa rules ng school na pinapasukan ni mami na bawal makipagrelasyon ang kanilang estudyante sa kung sinong mang involve sa restaurant na pinili nilang mag training.

Kaya pasekreto ang kanilang relasyon habang hindi pa nakakapagtapos si mami that time. Ilang buwan na lang ang kanilang paglilihim pero sa kasamaang palad ay nabisto sila ng grandparents ko. Natakot siya na makick out si Mami sa paaralan na pinapasukan niya dahil isang taon na lang ay makaka graduate na ito bilang isang culinary arts student.

Kahit na labag sa loob niya ay mas pinili niya ang kapakanan ni Mami at nag hire siya ng tao para magpanggap na fiancee niya para lang manahimik ang grandparents ko. At para mas kapani paniwala ay pinalagay niya pa sa magazine na malapit na siyang ikasal sa fiancee niya.

Mrs. Lhust (Marupok Series#1) [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon