Isang lingo.
Isang lingo na ang lumipas ng ma discover kong may talent din pala ako sa pag-arte, na kahit ang mga kaibigan ko ay pinu push ako na mag audition na para maging ganap na artista.
At kung bakit?
Buwis buhay lang naman akong umarte para maiwasan ang pangungulit ni mam.
Andoon na yung aarte akong nag e-lbm, nasusuka o di kaya nahihilo, bigla na lang nahihimatay at minsan may emergency sa bahay at kung ano ano pa.
Dahil magaling nga akong umarte ay napapaniwala ko silang lahat. Samahan pa na kaibigan din namin ang nurse kaya nakakalusot.
At kung anong nagtulak sa akin para gawin ang mga bagay na yun?
Sa loob ba naman ng isang lingo niya akong binulabog at kung sino sinong poncio pilato ang pinapadala niya para sunduin ako at papuntahin sa kung saang lupalop ng mundo man siya naroon.
Ang swerte ko din dahil hindi siya mismo ang personal na pumupunta sa akin dahil sobrang busy niya dahil nagkaroon ng accreditation ang school.
At pati ang pagtuturo niya sa amin ay ibang teacher na muna ang sumalo, which is good. Dahil alam ko na pag siya mismo ang lumapit sa akin ay baka bumigay na ako agad.
Ewan ko ba kung bakit naisisingit niya pa ang pangungulit sa akin gayong sobrang hectic ng schedule niya.
Parang pinanaasa niya naman ako na isa akong espesyal na tao sa buhay niya.
Eh sa pagkakaalam ko ay isa lang naman akong parausan para sa kanya.
Pagkatapos gamitin 'back to who you na agad' ako sa kanya.
O Baka nga stressed siya at gusto niyang mailabas yun at ako agad naisip niya na makakatulong para maibsan ang namumuong init ng kanyang katawan.
Sabagay, wala naman siyang mapapala sa asawa niyang walang kwenta at sariling pagpapasarap lang ang alam. Samahan pa na maliit din yung ano niya.
"When are you going to stop this dumb acting, sugar?"tanong ni Syn habang naglalakad kami patungong cr dahil nag e-lbm na naman ako, kuno.
"Hanggang magsawa si man kakakulit sa akin"plain kong sagot habang nakahawak sa aking tiyan. Kunyare humihilab.
"Really?, baka pag tumigil siya ay ikaw naman itong maghabol at mangulit sa kanya"sabi niya pa.
"Alam niyo naman kung bakit ko to ginagawa di ba?"
"Nag papa hard to get ka kunwari kasi, ito ang unang beses na siya na mismo ang nangungulit sayo. Basta pag mag-iiyak ka andito lang ako, Asukal"Si kumag na kunwaring inaalalayan ako.
Nag-uusap kami ng pabulong dahil itong inutusan ni mam na lalaking estudyante ay nakasunod sa amin.
Gusto niya daw makasigurado na sa cr nga kami pupunta at hindi uuwi.
Sigurista ang kumag baka gusto niya din samahan ako sa loob ng cubicle.
"Alam niyo naman ang totoong rason tapos tinatanong niyo pa"sabi ko dahil totoo naman na nasabi ko na sa kanila kung bakit.
Binalaan kasi ako ni mami na estudyante din dito sa school namin ang nagsumbong kina lolo tungkol sa pagtatrabaho ko kay sir george.
So posible din na pati ang paglapit ko kay mam ay e report ng taong yun sa kanila, edi mas lalo pa kaming mapahamak pag natyempuhan na may nangyayaring kakaiba sa aming dalawa.
Nagtataka ako dahil dati pa naman ako lapit ng lapit kay mam at kung sakali man na andito nga ang taong yun ay sigurado akong alam niya na kinukulit ko si mam. Pero ang nakaabot lang na balita kina lolo ay ang pagtatrabaho ko sa asawa niya.
BINABASA MO ANG
Mrs. Lhust (Marupok Series#1) [Unedited]
HumorIntersex | GxG | ProfxStud | R18 Started: Oct/02/2022 End: June/13/2023