Special Chapter

27.5K 600 72
                                    


***

Lalala lalala la lalala la lala 🎶

A hopeless romantic all my life 🎶

Tugtog na maririnig mo sa background.

Surrounded by couples all the time

Nag kumpulang mga tao ang nasa paligid. Ang iba'y sumasabay sa ritmo ng kanta. May mga nagbubulungan, may mga humahalakhak sa tuwa at ang iba kagaya ko lang na nakamasid sa paligid.

I guess i should take it as a sign 🎶

Ayos na sana dahil walang naggugulo at lumalapit sakin para makipag-usap.

Ang kaso..

Kanina pa ako nag ngingitngit sa galit dahil sa babaeng kiti-kiti na sumasayaw sayaw sa harap ng asawa ko.

Im feeling lonely

Ngumunguso pa, ang sarap ingudngod ng bwesit na 'to.

Oh, I wish I'd find a lover that could hold me (Hold me)

Ang sagwa.

Now, I'm crying in my room

Ang lakas ng loob mag pa cute! Eh, mas cute pa ang Chimpanzee kumpara sa kanya.

So skeptical of love
But still, I want it more, more, more

I gave a second chance to Cupid

Umaarteng pinapana ang asawa ko sabay kindat ng naglalakihan niyang mata.

Ang sarap tusokin!

But now, I'm left here feeling stupid

May kalalagyan talaga 'tong pisteng babae na 'to sakin mamaya.

Oh, the way he makes me feel

Baka umuwi siyang may pasa ang mukha.

That love isn't real
Cupid is so dumb

O pwede rin namang bali ang isang binti.

"Mommy, nilalandi si mamada oh. Gusto niyo po bang lapitan ko sila para tumigil ang babaeng pangit na 'yun?" Gulat akong napalingon sa anak kong bigla nalang sumulpot sa kung saan.

"Nope baby. Ako ng bahala okay?" Baling ko kay Vinegar. Pinagpipilitan ko paring tawagin itong vinegar kahit naiinis siya.

I can't help but smile when my adorable daughter acts this way.

Medyo possessive rin kasi ito kagaya ko. She doesn't like it pag may mga lumalandi sa mamada niya.

"Where're your lola's, honey?" Tanong ko bago inilibot ang aking tingin para hanapin sila mommy.

"There po oh"turo niya sa kabilang gawi.

Kausap nila ang ibang business partners kaya siguro na bored itong baby ko.

"I'll go to tita Mona at tito Nick na lang po, Mommy" tumango ako bago hagkan ang tungkil ng kanyang ilong.

"Stay there okay and please behave" humalik ito sa pisngi ko bago sumaludo at nag martsa paalis.

Hindi ko maiwasan humalakhak sa inasal niya. Sobrang cute ba naman kasi ng baby vinegar namin.

Sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa makarating sa tita at tito niya.

Muli akong napabaling sa maharot na babae at halos masugat ang aking labi sa pagpipigil ng makitang nakadikit na ito kay Sugar.

Halos idikit na nito ang makapal niyang pagmumukha sa pisngi ng asawa ko.

Mrs. Lhust (Marupok Series#1) [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon