Chapter 15

27.4K 639 168
                                    

"UNEDITED CHAPTER"

Naglalakad na ako patungo sa opisina ni mam makalipas ang tatlumpong minutong pagmumuni muni ko sa loob ng room.

"Asukal!!" Sigaw ng kung sino mula sa likod ko. Kaya napatigil ako at nilingon ito. Si Ery pala na nagtatakbo papalapit sa akin. Pumasok pa talaga siya kung kailan naman tapos na ang klase namin.

"Ha, ha, ka-kanina pa kita tinatawagan,  bakit ba hindi mo sigasagot tawag ko ha?!" Sabi nito na nakahawak sa dibdib niya habang pinapakalma ang kanyang sarili.

"Paano kita masasagot aber ha?, na confiscate ni Mrs. Lhust ang cellphone ko. Bwesit na yan at mukhang nasa peligro pa tuloy ang buhay ko ngayon dahil sa balak ko na e txt kayo ni Syn"sagot ko dito sabay irap.

"At bakit ka nalate ha?" Tanong ko pa sa kanya pero hindi parin ito sumagot at iniwas lang ang tiingin sa akin dahilan para makita ko ang leeg nito.

"Ay teka nga lang, ano yang nasa leeg mo ha?"sabay hila ko dito at tinabig ang buhok niya para matignan ng maayos ang leeg nito. Hindi nga ako nagkakamali.

"May hickey kang bwesit ka,  sino may gawa niyan ha?, kaya pala late ka dahil puyat ka sa pagpapasarap, at alalang alala pa ako sayo baka nagkasakit ka kaya hindi ka nakaposk" talak ko dito at mukhang dinaig pa ako. Iba din galawan ng pa inosinteng to eh.

"Hoy grabe ka naman asukal, dinaig mo pa si Mama kung makapag react diyan ha"sabi pa nito sabay ayos ng buhok nito para matabunan ulit ang tinatago nito sa leeg.

"So ano masarap?" Tanong ko dito na ikinapula ng kanyang mukha.

"Ahm a-ano... Eeehh,  asukal naman eh!. S-syempre ano, mesherep siya" abat! Sabay sapak ko sa kanya.

"ARAY!. Bakit kaba nananapak diyan ha?. Blehh inggit ka noh?." Parang bata talaga ang bwesit. "Ako naka score na samantalang ikaw, boom!. Bokya AHAHAHA" sabi niya sabay tawa ng malakas.

Kita mo to, ang sarap lang talagang ibenta para naman mapagkakitaan. Wagas kung makapang-asar eh.

"Hindi ka sure. Akala mo sa akin mahina?. Nakailang beses na kaya ako"pagmamayabang ko din sa kanya. Ano akala niya, siya lang?  Huh!

"So nabinyagan na yang jun jun mo?" Bulong nito sa akin. Nagmumukha na kaming marites sa lagay namin. Nasa gitna ba naman kami ng hallway nag-uusap tapos yung kakaibang usapan pa talaga at hindi school related.

"Intact parin siya. Daliri at dila ko lang ang gumalaw" bulong ko pabalik sa kanya.

"Ayy mahina ka nga. Naturingang may sandata ka nga hindi mo naman ginagamit. Tsk!, kawawa ka naman asukal, edi tigang na tigang ka niyan ngayon?.Hahahah" pang-aasar nito na ikinalukot ng mukha ko.

Totoo naman kasi, ano bang magagawa ko eh may asawa yung tao eh. May respeto pa naman akong natitira para kay mam kahit papano.

Wala naman talaga akong planong galawin si mam sa kahit anong paraan kaso nga lang nagpadala ako sa tukso noong nagalaw ko siya.

Plano ko na paibigin muna ito sa akin para mabigyan niya ako ng assurance na piliin ako pag nahulog ito sa akin. Na kaya niyang makipaghiwalay sa asawa niya para makasama ako. Hayst,  Bigla tuloy ako nalungkot.

"Maiwan na nga kita diyan. Kanina ka pa nang iinis at na bebwesit na rin ako sayo" sabi ko sa kanya na ikina sersyoso ng kanyang mukha.

"J-joke lang yun asukal, ito naman nagagalit agad. Ilibre kita mamaya gusto mo?"ang bilis talaga nito mauto hehe. Kung paano ko siya suyuin pag galit siya ganon din ang ginagawa niya sa akin.

"Tsk,  ayaw ko, basta galit parin ako sayo"pang iismid ko sa kanya at di na ito pinansin sabay naglakad patungong office ni mam.

"Hoy,  asukal huwag ka na magalit. Binibiro ka lang naman eh. Ililibre kita ng isang linggo sa cafeteria, kaya please huwag kana magalit sa akin"ang lambing naman nito. Okay din yung offer niya para makatipid ako ngayon linggo, para naman may maitabi din ako para sa susunod na date namin ni mam.

Mrs. Lhust (Marupok Series#1) [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon