Chapter 19

27.8K 612 75
                                    


"Bakit mo ba kami sinasama diyan sa aattendan mong meeting eh hindi naman yata kami kailangan dyan"reklamo ko habang naglalakad kaming tatlo.

Hindi ko alam kung anong trip na naman ng babaeng to. Suppose to be ay may pasok dapat kaming tatlo sa isang subject namin kay Mr. Patagnan pero itong isang to sinabi sa amin na exempted daw kami dahil may importanteng meeting kami na pupuntahan.

Ayaw na ayaw ko pa naman ang mga ganyan gathering feeling ko kasi na a-out of place ako. Kaya nga ni minsan hindi ako sumali diyan sa pagiging officer sa school na kahit anong pilit nila ay hindi ko talaga tinaggap.

"Ano ba ang gagawin namin dun at pinagpipilitan mo na umattend din kami. Ikaw lang naman ang officer dito sa ating tatlo, so dapat ikaw lang din ang pupunta dun"si Syn na halatang bagot na bagot. Mabuti naman at hindi na siya tulad noong mga nakaraang araw na halos hindi na kami kibuin.

"Kailangan ko ng audience impact pag ako na magsasalita para ganahan naman ako" umaataki na naman kagagahan nito.

"Alam mo Ery daig mo pa ang sasali sa pageant or sport kung makapag demand ka ng audience impact. Kapal mo din eh uupo ka lang din naman doon at makikinig"pagtataray ko sa kanya.

"Joke lang yun hehe. Nagagalit agad eh"alanganing tawa niya dahil hindi na talaga kami natutuwa sa kanya.

"Ang totoo niyan nag request ang president na isama kayong dalawa sa meeting dahil ang next program na napagkasunduan namin ay para sa mga matatanda. Tulad ng mga nasa home for the aged na hindi na binibisita ng kanilang mga mahal sa buhay, we wanted to give them some comfort before their lives end. Magbibigay kami ng foods, clothing, health care assistance and magpapa activity din para mag-enjoy sila. Ako nag suggest tapos inapprove nila" seryosong niyang sabi na nagpamangha sa amin.

"Bravo!. Alam mo kung ganyan ka lang katino kausap iisipin ko na hindi ka nga sintu-sinto."sabay palakpak ko pa na ikina irap niya.

"Hindi ako sintu, nasobrahan lang talaga ako sa ganda kaya minsan iniisip niyo na may something ako"ang bilis niya naman bumalik sa dating anyo.

"Okay, wag mo na isali yang pagiging maganda mo't baka mag back out pa kami ni syn."

"Dapat kasi inuna mo yan sabihin para kusang loob kaming pumunta hindi yung bigla ka nalang nanghihila ng walang sinasabi"dagdag ko pa.

"Eh kasi naman 5 minutes na tayong late at siguradong nag-uumpisa na mga yun"

"Tapos yung sinasabi nilang mataray na president ng school ay aattend din. Kaya e ready na natin ang mga sarili kung mapagalitan man tayo."dagdag pa ni Ery.

"Sinama mo lang yata kami para may kasama ka na mapagalitan eh. Imposible naman kasi na mismong president pa talaga nag invite samin eh hindi ko nga alam na nag eexist pala yun dito sa school"sagot ko habang patuloy kaming naglalakad.

Sino naman kaya yang President na sinasabi niya eh sa apat na taon ko dito ni anino niya hindi ko pa nakikita.

"Hindi ko din alam basta nag pm sakin si dean na isama daw kayo dahil utos ng President"

"So hindi mo pa nakikita ang President natin kahit isa ka sa officer nitong school?"pagtatakang tanong ko.

"Hindi naman yun nagpakilala samin ni minsan eh. Ito yong unang beses na ma memeet siya ng buong CSC."

"Dali na bilisan na natin at mamaya na yang daldal Asukal."sabay hila niya sa amin ni syn at halos takbuhin na namin ang daan.

Ang layo ng nilakad namin dahil sa kabilang building pa kami pumunta. Panay naman bati ng mga estudyanteng nakakasalubong namin kay Ery. Nagmamadali na nga kami tapos panay pa pacute nito sa kanila.

Mrs. Lhust (Marupok Series#1) [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon