"Ahhhh yes"napapakagat labi habang sarap na sarap sa kada hagod nito.
"Ohhhh" napapanganga at napapapikit pa ang kanyang mga mata.
"AHHHH y-yes! cge p-"
"Mi ano ba!?"sigaw ko ng hindi ko na kinakaya ang ginagawa niya sa harap namin ng Mommy.
Napapamaang na lumingon ito sa gawi ko at halos lumuwa ang kanyang mata.
"Nakakarindi yang ingay niyo Mi!"pag aalburuto ko sabay bato ng unan sa gawi niya.
Mabilis itong napaiwas at alanganing napangiti.
"Ano bang pinuputok ng butchi mo riyan sweety ha?"may pang aasar nito tanong bago bumalik sa pagkakaupo.
"Kailangan bang umungol ng ganon kalakas na parang inaano? Ah basta ang weird ng ginawa niyo at kanina pa ako kinikilabutan dito eh"reklamo ko at tumigil muna sa panonood.
Paano ba naman kasi, tahimik kaming nanonood ni Mommy ng bigla na lang itong sumulpot at pumwesto sa harap namin.
Nang una ay minamasahe niya lang ang kanyang binti ng tahimik kaya hinayaan ko.
Pero maya't maya eh nag-umpisa na itong gumawa ng nakakarinding ingay na ikinataas ng balahibo ko.
"Minamasahe ko lang naman ang legs ko dahil tinadyakan ng mo-" bigla itong napatigil sa pagsasalita ng titigan siya ng sobrang sama ni Mommy.
"Na-napatid ako kanina habang nagdidilig ng halaman sa labas, medyo bitin at hindi nga lang nabasa lahat dahil nainis-esti biglang may nag doorbell kaya sa sobrang pagmamadali ko ay napatid ako ng wala sa oras. Tama yun nga ang nangyare sweety"sabay tawa nito ng alanganin.
Napatid? Medyo bitin sa pagdidilig?
Anong pinagsasabe nitong nanay ko?
"Kaya nga po, sabihin na nating may fracture yang binte niyo at kailangan hilotin. Pero hindi niyo namang kailangang umungo-"napatigil ako ng bigla ako nitong senyasan na tumigil kaya bigla akong napabaling ng tingin kay mommy.
Hindi maipinta ang mukha nito at kita ko ang ilang beses na pagkuyom ng kanyang kamao.
Bigla itong napatayo mula sa kinauupoan niya sabay binato ang remote sa gawi ni Mami.
Pak! Sapol sa mukha.
"Ahhh ouch, h-honey"
"Don't honey me na bwesit ka!. Huwag kang makalapit lapit sakin at naiinis ako sa pagmumukha mo!"sigaw nito sabay walk out.
Mangiyak ngiyak na napaupo si Mami at napahilot sa noo niyang natamaan ng remote kanina.
Hindi ako makaimik at hinayaan lang sila. Syempre away mag-asawa yan so labas ako riyan.
Napatingin ito sa gawi ko at biglang nag pabebe.
Tsk! Ang sagwa.
"Ano masakit Mi?"kunwaring naaawang tanong ko sa kanya.
"Hmm yes Sweety, you see inaway ako ng Mommy mo."sabay pahid ng invisible na luha sa kanyang mata.
Arte arte talaga nitong nanay ko. Matindi rin ang drama eh.
"Ang panget niyo Mi, tama na nga yang drama mo at baka masuka na talaga ako"sabay arte ko na naduduwal.
"Panget mo ka bonding Anak"sabay ikot ng mata niya.
Apakataray eh hindi naman bagay sa kanya.
"So anyare at sobrang tindi ng galit sayo ni Mommy?. Sure akong may ginawa ka na namang katangahan Mi"sabay buntong hininga ko.
BINABASA MO ANG
Mrs. Lhust (Marupok Series#1) [Unedited]
HumorIntersex | GxG | ProfxStud | R18 Started: Oct/02/2022 End: June/13/2023