"UNEDITED CHAPTER"
.........
Friday na ngayon at bukas na mag-uumpisa ang trabaho ko sa asawa ni ma'am. Kaya medyo bothered ako mula kagabi pa.
Naglalakad ako ngayon papuntang library dahil andun na ang dalawang ugok kong kaibigan at kanina pa raw nila ako inaantay. Ewan ko ba sa dalawang yun at bakit naisipan na doon mag review eh pwede naman sa bahay nalang at mas komportable pa kami doon.
Ayan tuloy kahit mamaya pang ala Una ang pasok ko napilitan akong gumising ng maaga. Kainis talaga at ang sarap pa sana ng tulog ko ngayon kung hindi lang ako inistorbo ng dalawa.
Walang tigil ba naman na tawagan ako at kulitin na kahit pinatayan ko na ito ng selpon eh hindi parin nagsitigil. At pati si Mami ay binulabog at sinabihang may project daw na dapat ipasa ngayon umaga. Kaya hito wala akong nagawa dahil ayaw ko naman na magalit sa akin si Mami at sabihing nag la-lie low ako sa studies ko.
Nang nasa tapat na ako ng library ay akma ko na sanang pipihitin ang seradura ng pinto kaso biglang may naunang humila nito kaya ang ending nangudngud ang mukha ko sa harap ng taong bigla bigla nalang nagbukas ng pinto.
"Aww!" Sabay naming Daing sa sakit dahil sa impact ng pagkakatama ng noo ko sa may panga niya.
Lumayo agad ako sa harap nito ng makabawi at mabalanse ang aking sarili sa baggaan namin.
Hindi ko parin ito tinignan at inantay na tumabi ito pero hindi parin ito umaalis sa pwesto niya kaya inangat ko ang aking tingin para makita Kong sino ito.
Isang matangkad na babae ang bumungad sakin, mukha siyang Americana dahil sa kulay ng buhok niyang blonde, kulay asul ang mga mata at sobrang tangos ng ilong. Confirm nga na banyaga ito.
Nakaharang parin ito sa pinto ngayon at seryosong nakatingin lang sa akin na para bang kinikilala ako. Maya lang ay ngumiti ito ng malapad sakin na ipinagtaka ko, ano meron sa babaeng to at kung makangiti akala mo naman magkakilala kami.
"It's you!" sabi niya pa at niyakap ako bigla na ikinagulat ko.
"Ahhm wait lang miss, pwede bitaw na. Hindi naman kita kilala at bigla ka nalang nangyayakap" tapik ko sa balikat nito na mukhang ayaw pa ata ako pakawalan. Naiilang na din kasi ako at pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante isama mo pa nakaharang kami sa pinto ng library.
"Oh sorry, I thought kasi na ikaw yong kakilala ko, magkamukha kasi kayo eh" sabi niya nang nakangiti. Magaling siya magtagalog baka half filipina siya.
"Hindi, ayos lang, ahm pwede padaan papasok na kasi ako eh" sabi ko dito dahil kanina niya pa ako tinitignan at medyo hindi na din ako komportable.
Papasok na sana ako ng tumabi siya pero bigla niya naman hinawakan ang kamay ko dahilan para tumigil ako sa paglalakad.
"Ahm can I get your number?, aand can we be friends too?" Mukha naman siyang mabait at medyo magaan din ang loob ko sa kanya kaya tumango ako bilang sagot.
Maya lang ay binigay niya ang selpon niya sakin para e type ang number ko at pagkatapos ay agad ko din itong binigay pabalik sa kanya.
"The name is Ayla & you are? " pakilala niya sa akin.
"Sugar nalang Ayla" sabi ko dito
"Nice meeting you Sugar, you're name is sweet just like you" nakangiting sabi niya sakin, is she trying to flirt with me? Hala siya sa ganda niyang yan sa babae din pala siya nagkakagusto?
Hindi parin ako makapaniwala sa sinabi niya at tinignan ko lang ito ng masinsinan. Hindi naman ako kinilig nagulat lang ako. kung si ma'am pa nagsabi sa akin ng ganyan baka napalundag na ako sa tuwa.
BINABASA MO ANG
Mrs. Lhust (Marupok Series#1) [Unedited]
HumorIntersex | GxG | ProfxStud | R18 Started: Oct/02/2022 End: June/13/2023