Chapter 11

27.6K 626 234
                                    

"UNEDITED CHAPTER"

"Hoy kayong dalawa bakit ang tatamlay niyo ha?!"sigaw nitong si Celery na nasa harapan namin na nakapamewang at palipat lipat ng tingin sa amin ni Syn.

Kararating niya lang at nagdadaldal na, hindi manlang pagpahingahin muna ang sarili bago kumuda. Babaeng to talaga kahit kailan.

Bahala siya mag-ingay diyan, basta ako wala ako sa mood ngayon para sabayan ang trip niya.

Ayaw ko nga sana pumasok ang kaso nga lang nasa bahay ngayon si Mami at medyo masakit ulo niya kaya magpapahinga daw muna siya at siguradong magtataka siya kung hindi ako pumasok ngayong araw. Kaya heto pinilit ko ang aking sarili kahit ayaw ko at isa pa dalawang subject lang naman ang meron kami at free na kami pagkatapos.

"Kung may problema kayo wag niyo naman sarilinin nakakatampo na ha, tapos kagabi di niyo man lang sinagot tawag at text ko sa inyong dalawa. Parang hindi niyo ako kaibigan ah" naiiyak na wika nito sabay punas pa ng invisible niyang luha. Drama queen talaga.

"Manahimik ka Ery kahit ngayon lang pwede?."pakiusap ko sa kanya at naririndi narin ako. Pero ang gaga tumulo na talaga ang luha kaya nataranta ako at inalo ito.

"Sige na nga at doon tayo sa restaurant ni mami mamaya kakain pag katapos ng klase natin" sabi ko dito at biglang nagliwanag ang mukha nito.

"Gusto ko yan ang bait mo talaga Asukal. Sige balik na ulit sa pagmumukmok kayong dalawa" sabi nito at pumapalakpak pa bago umupo sa gitna namin at nanahimik.

Easy di ba? Ang babaw kasi nito. Siya ang masayahin at iyakin sa grupo, in short masyadong emosyonal yan. Napaka transparent nitong tao at lahat ng ganap sa buhay niya mapa simple man o komplikado lahat yun sasabihin niya.

Itong si Syn naman ang pinakamasekreto sa amin. Tahimik lang yan pag may dinaramdam o may problema kaya nasanay na rin kami sa kanya at hinahayaan na lang namin.

Kagaya ngayon para kaming nagluluksa na dalawa at halatang may pinagdadaanan din ito tulad ko. Panay kasi ito buntong hininga na akala mo pasan niya ang buong daigdig.

Nakapangalumbaba na lang ako habang nakatingin sa harapan ng biglang tumahimik ang buong classroom, marahil andito na si ma'am.

Maya lang ay maririnig mo ang tunog ng takong nito hudyat na nasa loob na ito kaya agad Kong iniwas ang aking tingin sa harap at yumuko na lang.

Ayoko mo munang tignan ito ngayon at naiinis pa rin ako sa kanya.

"Hoy asukal ang blooming ni mam oh, tignan mo. Hoy bakit ka ba nakayuko diyan ha?"si celery habang sinisiko ako.

"Manahimik ka na nga lang diyan" saway ko dito at mabuti nalang hindi na ito nangulit pa.

"Lets start the presentation" wala nang good morning dahil hindi yan uso sa kanya.

Taray pa rin, para namang hindi siya satisfied kahapon.

Bali may pa activity itong si mam sa amin at iyon ang gagawa kami ng business proposal at ipe-present yun sa buong klase.

Last meeting pa nag start itong activity na pinapagawa ni mam and each group consists of three members so sakto kaming tatlo nina syn at celery ang magka grupo. At dahil may isa kaming ka grupo na bida bida ayun kami unang nag present, nainis pa ako dahil ayaw ko na kami agad dahil ramdam mo ang pressure pag ganon pero dahil matatalino naman kami na present naman namin ito ng maayos at satisfied si maam sa ginawa namin.

Nag-umpisa na mag present ang mga kaklase ko at halos mangalahati na sila sa pag discuss pero hindi parin ako nag-aangat ng ulo dahil kanina ko pa nararamdaman ang pinunupukol na titig ni mam.

Mrs. Lhust (Marupok Series#1) [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon