Chapter 32

28.6K 761 126
                                    


Tagagtak ang pawis at hingal na hingal akong nakarating ng building bitbit ang dalawang kape galing starbucks.

Lakad takbo akong naglakad papasok na akala mo may hinahabol na kriminal.
Sapo sapo ang aking dibdib at naghahabol ng hiningang napatigil sa tapat ng elevator.

Pilit kong kinakalma ang aking sarili ngunit mas lalo pa itong dumagundong sa kaba.

Mukang malilintikan na naman ako ng babaeng yelo na yun. Sa isip isip ko.

'Bakit ba ang tagal bumukas ng bwesit na elevator na to kasi' mahinang bulong ko sa aking sarili.

Makalipas ang dalawang minuto ay sa wakas bumukas na ito kaya dali dali akong pumasok sa loob at tarantang pinagpipindot ang 30th floor.

Kabadong napapapadyak ako sa sahig dahil halos mag-iisang oras na pala akong nasa labas. Kabilin bilinan pa naman niya na bago mag alas otso ay madala ko na ito agad sa kanyang opisina.

Pero lagpas alas nuwebe na ang sesti.

Paano ba naman kasi eh pagkalayo-layo pala ng hinayupak na cafe na yun mula rito. Samahan pang medyo mahaba din ang pila kaya mas lalo akong natagalan.

Gigil at atat akong nakatitig sa paglipat ng numero sa taas ng elevator. Dahil sa magkahalong takot at pangamba mas ramdam ko ang pagbagal ng galaw nito. Napapapikit at taimtim akong nananalangin na kung pwede mahinto muna ang oras ay naibulong ko na.

Makalipas ang isang taong pag-aantay ay muli itong tumunog sensyales na nakarating na ako sa aking pakay, kaya wala pa sa alas kwatro akong naglakad takbo upang tunguhin ang opisina niya.

Halos magkanda patid ako sa sahig sa sobrang pagmamadali ko maihatid lang sa madaling oras ang utos ng madam bago ito magtaray na naman.

Naku at kung alam niyo lang ang pinagawa niya sakin dati ng ma late akong maihataid ang utos niya.

Isipin niyo namang pinaglinis niya ako ng kotse kung hindi ba naman matinong amo ang isang tulad niya. Tsaka hindi ko naman talaga siya amo eh.

"M-Ms. Clea"tawag ko sa secretary niya pagkarating ko mismo sa tapat ng opisina.

"C-coffee. Ha, for Ms. Celestina" naghahabol hiningang pakiusap ko sa kanya habang pilit inaabot ang bitbit ko.

Pero imbis na kunin ito ay tinitigan niya lang ako ng seryoso at palipat lipat ng tingin mula sa mukha ko at sahawak kong kape.

"Your treat, Sugar?"manghang tanong niya sabay lapit sakin.

"Ang bait mo talaga.Ikaw ha, siguro crush mo ko noh?"tuwang tuwa niyang kinuha mula sa kamay ko ang isang cup at nilapag sa ibabaw ng lamesa niya.

"Kung wala lang akong asawa eh baka pinatulan na kita"dagdag niya pa sabay kindat sakin.

Napapamaang na lang ako sa ginawa niya dahil di ko alam paano babawiin yun sa kanya at sabihin na pinapa-order yun ni Celestina para sa kanila ng bisita niyang kliyente.

"Uhm. A-ano Ms. Clea yang kape kasi ano uhm"may pagdadalawang isip kong sabi sa kanya.

Agad naman itong tumingin sakin ng may pagtataka kaya muli akong nagsalita.

"Para sa bisita niya"dugtong ko pa na ikinatawa niya lang.

"Nagpa order na si Ms.Celestina sakin kanina bago pa man sila dumating ng bisita niya."sambit niya.

"Kung yun ang inaalala mo, sugar"sabi niya pa bago bumalik ulit sa ginagawa niya.

"Nag pa order na pala siya eh"may pagka dismayang sambit ko.

"Yes. May coffee shop na available sa ground floor at yun palagi pinapa-order niya pag may bisita"sagot niya na ikinataas ng kilay ko.

May coffee shop naman pala dito eh.

Mrs. Lhust (Marupok Series#1) [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon