Chapter 24

27.8K 679 74
                                    

"Kumusta na si tita, Sugar?"tanong ni Syn habang kumakain kami.

Nandito kaming dalawa sa cafeteria para mag lunch. Wala si madaldal dahil may meeting kasama ang mga guro kaya wala kaming pasok ng umaga.

Bali may isang klase kami mamaya kay mam kaya hindi pa kami umuuwi.

Bumuntong hininga muna ako bago ko siya sagutin.

"Hindi ko siya makausap ng matino mula kahapon pa at masyado siyang lutang na kahit ang pagluluto niya ay naapektuhan na rin"nalulungkot kong saad dito.

Mami is not in her right state of mind right now. Halata ko na napipilitan lang ito maging malakas at kalmado sa harap ko pero hindi ako manhid at bulag para hindi maramdaman na sobrang bigat ng pinagdadaanan niya ngayon.

Alam ko na ang nasaksihan ko kahapon na tagpo nila ng babae ang dahilan.

Gusto kung alamin kung ano ang relasyon nilang dalawa at malabo na makausap ng matino si Mami ngayon kaya doon mismo sa babae ako magtatanong. At mas mabuti na sa kanya ko na mismo makuha ang sagot sa mga katanungan ko. Familiar na siya sa akin noong unang magkita kami pero hindi ko lang masyado tanda noon kung saan ko siya nakita.

Ayaw ko na mag assume pero sana mali ako sa aking iniisip dahil parang hindi ko pa kaya na harapin siya ngayon.

Pero wala akong ibang choice. Dapat maging matapang at kalmado ako at hindi dapat pairalin ang galit dahil wala naman akong alam sa kung ano talaga ang totoong nangyari.

"Are you sure na kakausapin mo siya?"tanong niya. "Don't push yourself kung napipilitan ka lang dahil sa sitwasyon ngayon ni tita. Ikaw lang din maiipit niyan, Sugar"sabay hawak niya sa kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa.

"I have to talk to her, Syn. Wala naman akong mapapala kung tutunganga na lang ako dito at paiiralin ang pride ko di ba? Kung sakali na siya man talaga ang nanay ko dapat na pakinggan ko din ang side niya"I have the guts na posibleng siya ang nakarelasyon at nabuntis ni mami dati.

Nagkita na kami dati at nakapag palagayan ko na siya ng loob. May inis akong nararamdaman sa kanya pero hindi ko dapat hayaan ang sarili ko na lamunin ng poot at pagkamuhi ang aking puso.

Sigurado naman ako na may mabigat siya na dahilan kung bakit niya kami iniwan. Hindi naman siya magmamakaawa ng ganun kay mami kung wala na talaga itong pakialam sa amin.

"Hoy! May cheka ako sa inyo"biglang sulpon ni Ery.

Di man lang muna umupo at huminga bago mag-umpisang dumaldal.

Ang seryoso ng usapin namin eh.

"Alam niyo ba na nagliliyab sa galit kanina ang mapanakit at paasa nating propesora na si Mrs. Lhust. At halos balibagin niya pa ang lamesa kanina sa conference room ng hindi namin siya nasagot sa tanong niya sa amin"kwento niya.

Hindi pa siya nasanay kay mam eh palagi naman high blood yun. Bad mood ngayon at baka may ginawa na namang kalokohan ang asawa niya.

"Naku, kung hindi lang talaga ako galit sa kanya ay baka nanginig na ako sa sobrang takot."dagdag niya pa sabay inagaw ang fries na kinakain ko.

"Huh! Hindi ako nagpatinag sa kanya at tinaasan ko lang siya ng kilay kanina. Kapal niya para magtaray matapos ka niyang saktan, abat ang sarap niyang kalbuhin"inis niyang wika na nagpatanga sa akin.

Mas dinaig pa ako kung makapang gigil kay mam. Ang inis niya kasi parang abot ng north pole.

"Kung makapag react ka naman akala mo ikaw ang binasted ng tao"si Syn na halatang naiirita.

"Isa ka pa eh, syempre sinaktan niya kaya si Asukal, at kung sakaling saktan ka din ni Ms. Yu ay ganito din ang magiging reaksyon ko. Kalma ka lang at pag ikaw naman sinaktan niya ay siya naman ang pag-iinitan ko"sagot niya doon sa isa.

Mrs. Lhust (Marupok Series#1) [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon