Chapter 9

25.5K 649 141
                                    

"UNEDITED CHAPTER"

Nakatingin lang ako sa bintana at nakatulalang nakatanaw sa building at kabahayan na nadadaanan namin.

Mahigit labing limang minuto na namin binabaybay ang daan at tahimik lang ako kanina pa ng makaalis kami sa bahay nila. Tipid na sagot lang ang sinasagot ko sa tuwing magtatanong si sir.

Dahil wala ako sa mood ngayon lalo pa't ang dalawang tao na kanina ko pa kinaiinisan ay kasama ko ngayon sa iisang sasakyan lang.

Si sir George ang nag da drive at ako naman ay nakaupo sa back seat mag-isa.

And guess who's sitting right next to Sir in the passenger seat?

Tsk!, it's no other than his gracious wife. Kuno.

Yes gays sumama siya at para daw pagkatapos ng meeting makapag bonding sila ni Sir.

Edi wow!

Edi hindi nalang sana ako sinama kung mag dedate lang din naman pala sila doon.

My God meeting ang pupuntahan namin doon at hindi ang maglandian.

Paano naman ako kakalma kung buong maghapon siyang aaligid diyan sa mister niya.

Gagawin pa ata akong chaperone ng mga to.


Kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko na huwag siyang tignan kahit anong mangyari ngunit taksil talaga itong mga mata ko.

Paano eh sobrang ganda niya ngayon. She's pretty naman in her usual outfit pero pinakita niya sa akin na may igaganda pa siya. Sobrang bihis na bihis na akala mo ay aattend ng party.

Mukhang pinapagandahan niya talaga si sir para huwag na itong bumaling pa sa iba.

Pasimpli ko siyang tinitignan sa rear view mirror habang nakatingin ito sa labas.

Hindi ko naman maiwasan na maalala ang trato niya sa akin kanina kaya binaling ko nalang ulit ang tingin ko sa labas.

Mabigat pa rin ang loob ko matapos ang pangyayari kanina sa bahay nila. Matapos ang pag dadrama ko sa loob ng CR ng ilang minuto ay medyo kumalma naman ako kahit papaano.

Buti na nga lang at pagkalabas ko ng CR ay hindi parin sila bumababa at wala na akong pakialam sa kung anong ginagawa nila at natagalan.

Nagulat na lang ako na sabay silang bumaba ni mam na magkahawak kamay  at parehong bihis na bihis.

What a perfect couple!

Hinilig ko ang aking ulo at sinandal ito sa bintana at pinikit ang aking mata para makatulog. Kahit sa panaginip na lang ang pahinga ko.


Nagising ako na nananakit ang aking batok marahil sa pusisyon ng aking pagkakahiga.

Pagtingin ko sa labas ng bintana ay agad na bumungad sa akin ang magandang tanawin. Sabay tingin ko sa harapan ko at wala na ang dalawa Kong kasama.

Iniwan na pala akong mag-isa dito sa loob ng kotse habang natutulog.

Hindi manlang nila ako ginising at basta basta nalang nagsialisan.

Baka nga moment nilang dalawa to at nahiya lang na sabihan ako na wag na lang sumama at baka maka istorbo lang ako sa kanila.

Kainis sayang lang pala ang punta ko dito imbes na nagpapahinga ako ngayon sa bahay.

Mrs. Lhust (Marupok Series#1) [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon