Chapter 4

25.3K 639 117
                                    

"UNEDITED CHAPTER"


Sugar

Nagmistulan akong si the flash sa sobrang bilis ng pagbaba ko sa hagdan para lang hindi mahuli sa aksidenteng paninilip ko sa mag-asawang nagkakasarapan kanina.

Sa sobrang takot at kaba hindi ko na rin tinuloy ang pagpuntang CR at masyado ng delikado. Baka mamaya nalang ulit ako aakyat.

Saktong pagdating ko ng sala at uupo na sana ng biglang may nagsalita sa likod ko.

"Oh iha saan ka ba galing at kanina pa kita hinahanap?." Napa-igtad ako sa gulat ng biglang magsalita si Nay Minda.

Kaloka hindi pa nga ako maka recover sa kaganapan sa taas eh,  nako dito na ata ako mamamatay.

Ano bang nangyayari sa mga tao dito sa bahay nato at kanina pa ako ginugulat.

"Ahhmm,  a-ano galing po ako sa taas at katatapos ko lang po mag CR". Palusot Ko sa kanya habang pinapakalma ang aking sarili.

"Ganun ba, bakit namumutla ka?  Masama ba pakiramdam mo hija?" Nag-aalalang tanong ni manang.

"Ay hindi po Nay minda, hindi naman po masama pakiramdam ko. Nagugutom na po kasi ako kaya ganyan" alanganing sagot ko dito dahil medyo gutom na rin ako at nauuhaw.

"cge na, halika muna sa kusina para makapag meryernda ka" sabi niya habang ginigiya ako papuntang kusina.

"Pasensya kana ha,  halos tatlumpung minuto ka nang nag-aantay. Baka tulog pa sila ni George o may importanteng pinag-uusapan kaya hindi agad nakababa". Pahayag niya habang sinasalinan ng juice ang baso ko.

Ay nako manang, gising na gising na po ang mga amo niyo. Baka nag-uusap pwede pa, sobrang tindi nga ng usapin eh with matching action pa. May nakaraos at may nabitin yun ang ending ng pag-uusap nila.

"Ayos lang po yun Nay Minda. Makakapag-antay naman po ako dahil wala naman akong ibang gagawin ngayong araw". Sagot ko ng nakangiti. Mukhang siya pa kasi ang na e-stress para sa akin eh.

Kainis lang dahil matapos akong papuntahin dito ng maaga ni maam at pagbantaan na bawal na ma late ay madadatnan ko lang pala siya na nakikipaglandian sa asawa niya. Sobrang excited ko pa naman dahil first time na niyaya niya ako dito sa bahay niya.

Parang ayoko na tuloy bumalik sa susunod dito, nagkaroon na yata ako ng trauma. Pwede naman gawin nila yun sa gabi eh.  kainis lang at parang sinadya niya yata gawin yun dahil alam niyang pupunta ako.

"Hindi niyo po ba ako sasabayan sa pag me-meryenda Nay Minda?" Nakaupo lang kasi siya sa harap ko at nag seselpon. Ang taray naman baka nag popost ng status sa fb haha

"Ay naku hija wag mo na ako alalahanin at kakakain ko lang din bago ka pa dumating kanina" sagot niya sakin sabay lapag ng selpon niya sa lamesa.

"Matagal na po ba kayo dito na naninilbihan Nay?" Curious na tanong ko baka may maibigay siya na impormasyon sakin tungkol kay ma'am.

"Sobrang tagal na hija, siyete anyos pa lang yan si berry ay ako na ang nag-alaga sa kanya hanggang sa makapag-asawa. Masyado ng napamahal sakin ang batang yan. Kaya ng lumipat sila ng asawa niya sa bahay na ito ay isinama na rin ako. " nakangiting pahayag niya sa akin.

"A-ano po, si ma'am po ba ano ahm ganyan na ba siya dati pa?. Yung pagiging mataray niya at sobrang lamig makitungo sa tao?" Ayan inumpisahan ko ng alamin ang attitude ni ma'am baka makapag bigay siya ng tips para makuha ko ang loob niya.

"May pagkamaldita na yan dati pa lalo pa noong bata yan naku palaging may nasasampal pag inaaway siya,  wala yan sinasanto at ni minsan hindi yan nagpatalo kaya walang kumakalaban sa kanya" natatawang pahayag niya.

Mrs. Lhust (Marupok Series#1) [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon