Chapter 38

24K 747 93
                                    

Sugar

Hindi ko sinasadyang masigawan si Ma'am sa parking lot kanina at hanggang ngayon ay nakokonsensya parin ako dahil habang nasa byahe kami ay ni hindi niya ako matapunan ng tingin.

Kita ko kung paano napapahigpit ang kapit niya sa manibela at pagsalubong ng kilay niya hanggang sa makarating kami ng bahay.

Hindi niya naman ako masisisi kung bakit ganon ang naging trato ko sa kanya dahil sa isipang baka galing ito sa pakikipag date sa unggoy na lalaking yun.

At mas lalo akong nainis dahil sa mga titig ng mga lalaking manyak na nakasalubong namin kanina habang hila-hila niya ako.

Bakit kasi nagsuot pa ng ganyan eh alam niya namang maraming hayop na nagkalat sa labas. Gusto niya talagang ibandera ang katawan niya sa iba, tsk.

Pagka parada ng sasakyan ay agad itong lumabas at padabog na sinara ang pintuan na ikinakunot ng noo ko.

Akala ko ay iikot ito para pagbuksan ako ng pinto ngunit dumeretso lang ito papasok ng gate at iniwan ako  mag-isa sa loob ng kotse.

Wala nga talaga itong balak na pansinin ako at ang lakas pa ng loob niyang hilahin ako papunta rito.

Bigla ko tuloy naalala kung paano niya ako kinaladkad papunta dati.

Pero that time ay pinagbuksan niya ako ng pinto at pilit akong hinila papasok at ginahasa na ginusto ko rin naman kalaunan.

So hindi gahasa yun, basta yun na yun.

Pero yun ang time na pinangakuan niya ako.

Nagtapat pa na mahal niya raw ako tapos sa sumunod na araw ay nakalambitin na siya sa iba.
Hanep rin eh.

Para saan pa kasi at sinama niya ako rito, ah baka gusto niya ng part two noh.

Baka di pa sapat yung pananakit niya sakin.

Grabe naman-

"Ayy tsanak!"halos mapatalon ako sa gulat ng biglang bumukas ang pinto sa may gilid ko.

Ang mukha niya ang bumungad sakin at halos magsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan sa sobrang sama ng tingin na pinupukol niya sa akin.

Para siyang tigre na inagawan ng pagkain at handang makipagtagisan ng lakas sa kalaban.

Mabilis kong tinggal ang aking seatbelt at halos mauntog ang ulo ko sa bubong ng kotse ng bigla niya akong hilahin palabas ng sasakyan at mabilis na kinaladkad papasok ng bahay.

May plano nga siyang gahasain ako ulit.

Pwes hindi niya na ako madadala diyan sa gusto niyang mangyari dahil natuto na ako.

Tama, hindi na ako magiging marupok pa at kahit maghubad pa siya diyan ay wala na akong pake.

Patuloy niya akong kinaladkad at nagtaka ako sa pag-aakalang itutulak niya ako sa sofa at papatungan ngunit deretso niya akong hinila paakyat ng hagdan.

So sa kwarto niya ako balak pagsamantalahan ngayon.

Ngunit muli akong nagtaka ng dumeretso kami hanggang sa may kabilang pinto medyo may kalayuan sa kwarto niya.

Baka sa ibang kwarto niya balak gawin para mas exciting.

Pagkarating sa tapat ng room ay pabalibag niyang binuksan ang pinto nito at hinila ako papasok.

Bumungad agad sakin ang malaking screen at malaking sofa sa harap nito. Medyo maluwag at maaliwalas ang buong silid, may mini kitchen rin ito sa loob at counter table sa may side.

Parang theater room na pinasosyal ang datingan sa loob nito.

Muli akong nitong hinila at binalibag paupo sa isang upuan na sa harap mismo ng malaking tv.

Mrs. Lhust (Marupok Series#1) [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon