Chapter 16

29.7K 638 90
                                    

"UNEDITED CHAPTER"

WARNING!⚠️Yun lang, cge na start na kayo sa pagbabasa. Hahahaha
___________________________________

"Mam, t-teka lang po, a-ano po ang ginagawa niyo?" utal-utal at kabadong tanong ko dito.

Ngunit hindi parin ako nito sinasagot at nagpatuloy lang sa pagkalas ng kanyang butones habang deretsong nakatingin sa akin.

Hindi ko mabasa ang eksresyon ng mukha nito kung nagagalit pa rin ba siya sa akin o ano.

Pero kanina pa ako natataranta at kinakabahan sa kung anong posible niyang gawin dahil ganitong ganito din siya noong nakaraang binigay nito ang sarili niya sa akin.

Hindi, at parang mas malala pa nga ang galit niya ngayon kumpara noong nakaraan.

"M-mam kung magpapalit po kayo ng damit o-o di kaya naiinitan ka may kwarto naman kayo dito sa loob, ka-kaya kung pwede doon niyo na lang ituloy yan?" sabi ko dito pero tila ba naging bingi ito at patuloy parin sa kanyang ginagawa.

Alam ko naman ang balak nito eh, hindi naman ako ganoon Katanga para hindi mabasa ang nais nitong ipahiwatig, pero hindi talaga ako handa na galawin ulit ito lalo pa't hindi parin malinaw sa akin ang mga ipinapakita niya.

Dahil ayaw ko ng maulit ang nangyari noong nakaraan at lubos akong nasaktan sa sinabi nito matapos ko siyang paligayahin. At Ayaw ko ng magmukhang bugaw o bayaran lang kung tratuhin niya, mabuti pa nga yong mga prostitute at may nakukuhang kapalit pagkatapos ng kanilang service. Pero ako?, wala akong nakuha kundi masakit na salita lang galing sa kanya.

Hindi ko naman maikakaila na nag-iinit na ako sa ginagawa niya ngayon dahil kita ko na ang brassiere niya na kulay black at ang malaking kayaman niya na nakapaloob doon.

Pero dapat kumalma ako at huwag magpadala sa temtasyon at siguradong pagsisisihan ko na naman ito ulit.

"Ma-mam please lang po, kung-kung ano man yang balak mong gawin ay huwag niyo na po ituloy. Na-nasa school po tayo baka may makakita sa inyo sa ganyang posisyon". Dagdag ko pa dahil hindi na talaga ako mapakali sa pinaggagawa niya.

"Oh f*vk Mam!" sigaw ko ng kalasin nito ang kanyang bra at itinapon na lang ito bigla sa mukha ko.

Kaya mabilis akong pumikit at tumalikod sa kanya. Naku naman, kunti na lang ay parang bibigay na ako mam. Please lang tama na at mauupos na ang kaunting natitirang pagpipigil ko sa aking sarili.

"Why are you turning your back to me, Ms. Lacaforte?, Come on, and I will show you who's more appealing and tastier compare to that bitch on your phone. Come on look at me"mapang-akit na wika nito pero nanatili parin akong nakatalikod sa kanya. Dapat mas maging matatag ako ngayon at huwag magpadala sa kanya.

"I'm being impatient here, Ms. Lacaforte. Don't make me wait" naiiritang wika nito pero nanatili parin akong nakatalikod at nakapikit.

"Stubborn are we?" sobrang gulat ko ng bigla akong nitong dilaan sa tenga at hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala ito sa akin.

Marahas ako nitong hinila paharap sa kanya at halos matumba ako sa pagkakabigla pero isinandal agad ako nito sa likod ng pinto at nakipagtigan sa akin.

Hindi ako makagalaw at parang naistatwa ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ko lubos maisip na ito na mismo ang kumilos at nagkusa na lapitan ako.

Kapansin pansin ang pamumungay ng mata nito at ang pamumula ng kanyang mukha at ramdam ko din ang init ng katawan nito dahil sa pagkakadikit ng mga balat namin.

Gahibla nalang ang nasa pagitan namin at kunti na lang ay magdidikit na ang mga labi namin sa isat isat.

Focus na focus ako sa mukha nito at hindi ko na namalayan na naglulumikot na pala ang kamay nito sa baba.

Mrs. Lhust (Marupok Series#1) [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon