Epilogue

23.9K 712 297
                                    

Five Years Later....

•~•

"𝑴𝒊𝒏𝒔𝒂𝒏, 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒔𝒊𝒏𝒐 𝒑𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒓𝒂𝒔𝒐𝒏 𝒎𝒐 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒌𝒊𝒕 𝒌𝒂 𝒎𝒂𝒔𝒂𝒚𝒂. 𝑺𝒊𝒚𝒂 𝒅𝒊𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒓𝒂𝒔𝒐𝒏 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒌𝒊𝒕 𝒏𝒂𝒔𝒂𝒔𝒂𝒌𝒕𝒂𝒏 𝒌𝒂 𝒏𝒈 𝒔𝒐𝒃𝒓𝒂"
•~•


Pawisan ang mukha. Kusot ang damit at naghahabol ng hiningang binuksan ko ng pabalang ang pinto ng aming kwarto.

Nasa loob at bumungad ang babaeng busy sa pag-aayos sa kanyang sarili.

Nakaharap ito sa salamin at naglalagay ng kuluriti sa mukha. Ni hindi niya ako matapunan ng tingin at animo'y hangin lang ako sa kanya.

Buntong hininga akong napasandal sa pintuan. Mabigat ang loob at hindi maipinta ang mukha.

Mabuti sana kung nagpapaganda siya para sa espesyal na araw namin.

"Anniversary natin ngayon pero mas uunahin mo pa yang walang kwenta mong lakad"

Galit. Poot. Pagkadismaya at lungkot ang namayani sa puso ko ng bitawan ko ang mga katagang yun.

Isang buwan ang ginugol ko para maisakatuparan ang surpresa ko sa kanya.

Nakakatampo.

Nakaka-insulto.

Nasayang lang lahat ng effort ko.

Nauwi lang lahat sa wala.

"Nag-antay ako sa restaurant ng limang oras pero hindi ka dumating. Kahit nagpakita ka man lang sana saglit"

Buong maghapon akong nag-aantay at tumatawag sa kanya. Halos isang daang missed call at ni isa ay hindi niya masagot. Out of coverage or busy ang linya.

Turns out busy pala siya sa ibang bagay.

Katahimikan parin ang namayani at nagmumukha akong baliw na nagsasalita mag-isa.

Tumayo ito bigla.

Nakasunod lang ang tingin ko sa bawat kilos niya.

Tumalikod ito at dinampot ang kanyang bag. Naglakad palapit sakin at nilampasan ako.

That's it. Nasaid na ang pagtitimpi ko.

"Ano. Hindi mo na ako kikibuin araw araw?. Multo na lang ba ang turing mo sakin ngayon ha!?"

Sambit ko na nagpatigil sa kanya.

Humarap siya sa'kin at sinamaan ako ng tingin.

"Wala akong panahon sa mga drama mo at ma lalate na ako" iretable nitong sagot na ikinainis ko.

"Yan! Diyan ka magaling. Wala ka ng ibang ginawa kundi ang iwasan ako!"

Lumapit ako at dinuro siya.

"Bakit ha?!"

"Ikaw lang ba ang namatayan?!"

Hindi ko maiwasan na sumbatan siya dahil pagod na ako.

Sobrang pagod ng intindihin siya.

"Ikaw lang ba ang nasaktan ng mamatay ang anak natin?!"

Tuluyan ng pumatak ang mga luhang pilit kong kinukubli. Pilit kong tinatago at kinikimkim.

"NAPAKA PUTANG*NA MO PARA ISIPING HINDI AKO NAGDUSA SA LIMANG TAON NA NAWALA SIYA!!"

Ang sakit balikan ng mga ala-alang yun.

Mrs. Lhust (Marupok Series#1) [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon