Magkasabay kaming naglalakad ni Ery papasok ng school ngayon.
Tahimik ito at hindi ako kinukulit dahil alam niyang wala ako sa mood para makipag biruan sa kanya dahil alam niya ang nangyari sa akin kahapon. Nandoon siya sa parking lot kasama si Ms. Reyes ng kausapin ako ni mam sa loob ng sasakyan ko.
Nasaksihan niya din kung paano ako talikuran at iwan nalang bigla ni mam sa loob ng sasakyan na nag-iiyak kaya galit na galit ito at may plano pang sundan si mam at pagsasampalin kung hindi ko lang siya pinigilan. Alam ko na gagawin niya talaga yun dahil isang beses niya ng ginawa yun ng may nanakit kay Syn at wala itong sinasanto kahit sino pa yan.
Alam ko na sobrang excited siya sa date nila ni Ms. Reyes dahil yun ang unang beses na pumayag ito na makipag date sa kanya pero mas pinili niya na aluin at damayan ako.
Nakakainis lang dahil dinaig niya pa ako sa pag-iyak at mas nagmukha pa siyang broken hearted sa akin. Paano ba naman kasi eh bukod sa gulo gulo ang buhok nito ay nagkalat din ang maskara sa mata niya kaya nagmukha siyang sabog na ikinatawa ko na lang ng medyo kumalma ako.
Siya na din ang nagmaneho ng sasakyan ko pauwi at sa bahay din mismo ito natulog dahil natatakot daw siya baka magpatiwakal ako. Para itong aso na buntot ng buntot sakin na kahit sa cr ay sinasamahan pa ako at baka daw maglaslas na lang ako bigla.
Masyado siyang oa para isipin na magpapakamatay ako dahil lang sa binasted ako ni mam.
Syempre hindi ko naman gagawin yun dahil ako lang ang magmumukhang kawawa at talunan kong magpapaapekto ako sa ginawa niya. Oo masakit pero wala naman akong magagawa kundi tanggapin na lang itong kapalaran ko. Ngayon ko lang din naramdaman ang pagod sa mga pinaggagagawa ko para lang makuha ang loob niya.
Sabi pa nga ni mami matuto din akong magpahinga pag hindi ko na kaya at yun ang gagawin ko simula sa araw na ito.
Ngayon pa na alam ko ng wala talaga akong pag-asa sa kanya at malinaw na sa akin na hindi nito maibabalik ang pagmamahal ko.
"Asukal, ayos ka lang ba talaga? Pwede pa naman tayo umuwi dahil hindi pa naman nag-uumpisa ang klase"mahinahong sabi nito sa akin.
"Ayos lang ako Ery, tsaka may quiz tayo ngayon kaya bawal din umabsent"sagot ko sa kanya habang patuloy kami na naglalakad.
Hindi ko kinonsente ang sarili ko na magmukmok at mag-iiyak maghapon sa bahay kaya pinili kong pumasok at gawin na lang na motivation itong sakit na iniinda ko para makapagtapos sa pag-aaral at makaalis sa paaralang ito.
Pilitin ko na lang ang aking sarili na iwasan na talaga siya for real this time. Wala ng pagpapapangap na magaganap dahil ako lang din naman ang masasaktan kung ipipilit ko pa ang aking sarili sa kanya. Hindi ko na din kailangan pa na kausapin ito para kumpirmahin kung totoo na wala talaga itong nararamdaman sa akin dahil isang katangahan na naman yun kung papahintulutan ko pa ang aking sarili na kausapin ito dahil baka mauto na naman niya ako ulit.
Tama nga naman si Syn na mali na umibig ako sa taong bukod sa ubod ng sungit ay may sabit pa dahil sa may asawa nga naman ito at malabo pa sa plastic labo na piliin niya ako.
Kung hindi pa pala ako masasaktan ay tsaka ko pa lang ma re-realize na mali nga talaga itong pinasok ko. Ang laking tanga ko pala para maging sunod sunuran at magpagamit sa kanya.
Umasa naman ako na may nararamdaman din ito sa akin kahit kunti dahil sa akala ko na nagseselos ito minsan. Na scam na pala ako ng hindi ko namamalayan.
-
Nag-umpisa ng magdiscuss si Ms.Yu habang seryoso akong nakikinig sa kanya. Pansin ko ang maya't mayang pagsipat nito kay Syn pero itong isa ay deretso lang ang tingin at parang hangin lang sa kanya si mam. Alam ko na may nangyayaring hindi maganda sa dalawang ito pero wala ako sa posisyon para ikwento iyon. Hinayaan ko na lang ito at muling nag focus ulit sa pakikinig.
BINABASA MO ANG
Mrs. Lhust (Marupok Series#1) [Unedited]
HumorIntersex | GxG | ProfxStud | R18 Started: Oct/02/2022 End: June/13/2023