Chapter 8

24.6K 648 44
                                    

"UNEDITED CHAPTER"

"Magandang umaga po Nay Minda" masiglang bati ko dito pagkabukas niya mismo ng pinto.

"Halika pasok ka dito Sugar Hija". Paanyaya niya sa akin sabay giya papuntang sala.

"Pasensya na po Nay at hindi ako nakapagpaalam sa inyo noong nakaraang punta ko rito at bigla nalang ho akong umalis. " hinging paumanhin ko sa kanya.

"Naku hija ayos lang yun. Wag mo nang alalahanin yun." Nakangiti nitong pahayag sa akin na sinuklian ko din ng matamis na ngiti.

"Halika nga ditong bata ka at payakap ako,  bigla ko tuloy naalala sayo ang apo ko. Sobrang sweet at napagalang din nun". Sabay lapit ko dito at niyakap ito ng mahigpit.

Masyado talaga akong malapit sa mga matatanda dahil lumaki akong hindi nakaka bonding ang grandparents ko sa side ni Mami, dahil bukod sa malayo ang mga ito ay parang wala din yatang Plano na kumustahin ako. Kaya sabik ako sa aruga nila.

"Ipaghanda muna kita ng meryenda hija, maiwan muna kita saglit ha". Sabi niya pagkakalas sa yakapan namin at sabay tayo para tumungo sa kusina.

Nandito ulit ako ngayon sa mansyon nila ma'am. Hindi dahil inanyayahan niya ako na pumunta dito kundi, si Sir mismo ang tumawag sa akin kaninang umaga at isasama daw ako dahil may katatagpuin kaming isang kliyente. Medyo malayo ang lugar na pupuntahan namin kaya mas mabuti daw na sumabay nalang ako sa kanya.

Medyo alangan din akong pumunta dito pero dahil parti ito ng trabaho, hindi ako dapat humindi.

Papunta pa lang ako dito ay iniisip ko na kung anong gagawin o sasabihin ko kay ma'am kung sakali man na magtagpo ang landas namin, na hindi malabong mangayari sapagkat sigurado akong andito siya ngayon sa bahay nila at araw ng linggo.

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko ngayon at panay tingin sa hagdan baka maya lang ay bumaba na sila mam.

Medyo kinakabahan din ako at nag-uumpusa ng pagpawisan ang aking kamay.

Maya lang ay bumalik na si Nay Minda at inabutan ako ng meryenda. Isang pitcher ng tubig at isang slice ng cake itong dinala niya. Busog pa naman ako at kumain na ako kanina bago pumunta dito pero nahihiya kasi ako tumanggi kaya tinaggap ko nalang.

"Antayin mo nalang si Geoge, hija,  at magdidilig pa ako ng halaman sa labas". Paalam niya sa akin na agad ko namang tinanguan.

Kanina pa ako panay inom ng tubig kaya ang sisti bigla nalang ako nakaramdam na naiihi. Baka naman maayos na ang CR nila dito sa baba kaso hindi ko naman alam kung nasaan ito.

Dahil sa ihing ihi na talaga ako, napagpasyahan ko nalang na umakyat at doon sa guest room na tinuro sa akin ni Nay Munda dati ako mag c-cr.

Nakapasok naman ako ng CR na walang narinig na kakaiba tulad noong nakaraang punta ko rito. Bago ako lumabas ay naglagay muna ako ng kunting make-up sa aking mukha para naman maging presintable ako sa harap ng kliyente kahit papaano.

Pagkatapos ko mag-ayos nang aking sarili ay agad rin akong lumabas. Sakto naman pagkasara ko ng pinto sa guest room ay siya naman na may nagsalita sa aking likod.

"Stop being nosy Ms. Lacaforte. Are you here again to peek and see if my husband and I are f*cking each other huh?!. You're such a pervert you know that?." Mapang-akusa niyang turan sa akin.

Halos mapalundag ako sa gulat pagkarinig ko sa sinabi niya at ng makabawi ay dahan dahan ko itong hinarap.

Hindi niya ba alam na pinapapunta ako dito ni sir?

At ano raw sabi niya?. Pumunta lang ako dito para silipin kung gagawa na naman sila ng milagro ng asawa niya?. Baliw ba siya para tanungin ako ng ganyan.

Mrs. Lhust (Marupok Series#1) [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon