Chapter 1

46K 842 185
                                    

Sugar Lacaforte

"Grabe, sobrang traffic naman yata ngayon" dismayadong bulong ko sa aking sarili.

Kung kailan nagmamadali ako at halos dalawampung minuto na akong late sa klase, tsaka naman sumabay ang kamalasan. Siguradong makakatikim ako ng sermon kay Mrs. Lhust. Hay naku, tatarayan na naman ako ng malditang 'yun.

"Kung sino ang nagmamadali riyan, maglakad nalang kayo at mukhang hindi na uusad itong sasakyan sa sobrang traffic!" sigaw ni mamang driver na napapakamot pa sa kanyang ulo.

Napapikit ako sa inis. Pagmulat ko ay nag-umpisa naring magsibabaan ang ibang pasahero kaya sumabay narin ako sa kanila. No choice eh kesa abotin ako ng siyam-siyam sa kalsada.

Lakad takbo ang aking ginawa hanggang sa makarating ako ng paaralan. Halos lumuwa ang mata ko ng sipating ko ang aking relo. Isang oras na akong late!

Karipas agad ako ng takbo at ramdam ko ang namumuong tensyon sa aking kalamnan. Halos maligo na rin ako sa pawis sa kaka takbo ko.

Kung pwede lang sana lumiban sa klase niya eh baka kanina pa ako umuwi. Ang kaso isang malaking pagkakamali ang desisyon na 'yon. Isa sa rules niya ay bawal umabsent without valid reasons at with proof pa ha. Dahil kung hindi, bagsak ka agad.

Hingal akong napatigil sa harap ng pintuan ng room namin. Napa buntong hininga ako ng malalim para kumalma. Inangat ko ng alanganin ang kaliwang kamay at kumatok ng tatlong beses.

Ilang saglit lang ng biglang bumukas ang pinto. Bumungad sa harapan ko ang mala anghel niyang mukha. Domoble ang kaba ko ng magkatitigan kami, yung mga mata niyang daig pa ang laging galit kung tumitig. Yung awra niyang kinakatakutan ng lahat na kahit hindi siya magsalita ay kakabahan ka. Pero iba ang dating sakin ng titig niya, kabaliktaran sa nararamdaman ng iba.

The way she crossed her arms, ugh! Isa yan sa lagi kung inaabangan, alam niyo kung bakit?

Her cleavage. Ang sarap, esti masyadong nakakaakit. Kaunting higpit pa ng braso niya sa dibdib at luluwa na talaga.

Masyado akong napasarap sa pagtitig ng bigla itong umigham dahilan para mapabalik ang atensyon ko sa mukha niya. Napalunok ako ng laway ng makita ang pagtaas ng kilay nito.

Magsasalita na sana ako at hihingi ng paumanhin sa pagiging late ko ngunit hindi ko pa man naibubuka ang bibig ko ay bigla niya na lang na sinarado ang pinto sa harap ng pagmumukha ko.

Napaigtad ako at napaatras sa pagkakagulat.

Ang bastos, hindi niya manlang ako pinagsalita muna at basta nalang ako pinagsarhan ng pinto, bwesit talaga ang malditang matanda na yon.

Napahilamos ako sa mukha at dismayadong napasandal na lamang sa dingding ng room. Aantayin ko na lang na matapos ang klase para kausapin si Ma'am. Ayoko naman na bumagsak sa subject niya dahil malilintikan ako kay Mami.


Last year ko na ngayon sa kolehiyo kaya nagsusumikap ako na ma maintain ang grado ko sa lahat ng subjects. Mataas naman lahat ng grades ko mula first year hanggang third year kaya hindi ako makakapayag na kung kailan nasa huling kabanata na ako eh tsaka naman magka aberya. Worst sa subject niya pa talaga.

Nagkataon lang naman na late ako ngayon dahil sa pagpupuyat ko kagabi kakabasa sa wattpad, I'm hooked with this certain story kasi eh.

Mrs. Lhust (Marupok Series#1) [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon