Chapter 22

27.9K 650 164
                                    

"Because I-Im not a virgin anymore?"

Huh?

Virgin?

Virgin na naman?

Anong bang meron sa virgin na yan at kanina ko pa yan naririnig.

Si Ery kanina ay may tinatanong tungkol sa virgin na hindi ko naman halos maintindihan tapos ngayon si mam naman.

At ano daw?

Tama ba narinig ko na iniiwasan ko daw siya dahil di na siya virgin? Pfft! Bwahahhahaha LT to si mam.

Ano ba nakain niya para isipin na iniiwasan ko siya dahil hindi na siya virgin.

Napahagighik na lang ako ng mahina habang pinipigilan ang sarili na huwag matawa sa harap niya. Putik na yan. Seryoso ba siya?

"Are you making fun of me?"tanong niya na parang hindi makapaniwala habang nagpipigil parin ako ng tawa.

"Seriously, Ms. Lacaforte, I'm not joking here. Stop laughing, you idiot!"sabay hampas niya sa balikat ko na ikinatawa ko ng malakas.

"Bwesit ka! Seryoso ako Ms. Lacaforte. Yun ba ang dahilan kung bakit mo ako iniiwasan, ha?"nakakunot noo at seryoso niyang tanong na nakapagpatigil sa akin.

Tinignan ko siya ng masinsinan matapos pakalmahin ang sarili ko.

"Ang babaw naman ng dahilan na yan Mam para iwasan kita."seryoso kong sagot habang nakikipag titigan sa kanya para makita niya na totoo ang mga sinabi ko.

Alam ko at tanggap ko na hindi ako ang nakauna sa kanya at wala naman na akong pakialam doon.

Hindi naman katawan niya ang habol ko eh, kundi ang puso niya na hindi ako ang tinitibok.

Hindi naman nasusukat sa pagiging virgin or hindi na virgin ang buong pagkatao mo eh. Sa attitude at kung paano ka makitungo sa tao naka basi yun. Alam ko aalma ang mga conservative dito but you can't blame me, kasi sa panahon ngayon bihira nalang ang may mindset na 'you should be pure/virgin before you get married' or 'you should only give your first to your lifetime partner in the future'.

Ang iba naman kasi tinatry muna kung compatible sila sa isat isa kaya papalit palit ng partner. Ang iba naman ay nag eexperiment lang para matukoy ang sexuality nila at ang iba just for pleasure or trip lang nila. Kaya hindi mo sila masisisi kung sakaling dumating man sila sa buhay mo na hindi na virgin.

Because if you really love that person you should accept their flaws and imperfections. Hindi mo sila dapat e judge, rather accept and embrace them with all your heart. Maging honest and transparent ka sa kanila pati sa sarili mo and in that way magiging magaan ang pakiramdam mo. No hard feelings and no regrets!

Tsaka tanggap ko naman itong si mam eh, hindi niya  naman kasalanan yan dahil sa asawa niya naman binigay ang sarili niya.

At kung tutuusin, ako pa nga ang dapat e judge dito kasi pumapatol ako sa may asawa na. Makasalanan ako at aminado ako dun. Sorry nagmahal lang naman ako eh.

"Then what's your real reason for avoiding me for a week? I know that you've been acting all this time to escape from the students I asked to fetch you."nanlilisik ang mata na mungkahi niya.

Napapalunok na lang ako ng laway sa kaisipan na matagal na pala ako nitong nahuli sa mga kalokohan ko.

"Na eestress na ako sa pinaggagawa mo ms. Lacaforte, tapos maririnig ko na. Ugh! Fvck it! "frustrated niyang sabi sabay sabunot sa kanyang buhok.

Bigla tuloy ako nainis sa aking sarili dahil ako ang dahilan kung bakit siya nagkaka ganyan ngayon.

Kahit naman na gustuhin kong sabihin sa kanya ang dahilan ay hindi pwede tsaka ano naman paki niya sa kinakaharap kong problema ngayon.

Mrs. Lhust (Marupok Series#1) [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon