Chapter 35

25.7K 663 81
                                    


I let my alter ego embrace me and made me a captive of my worthlessness.

Distancing myself from her without a valid notice is the toughest decision I've ever made.

Still in daze after a week of staying in my home, no cellphone and any means of contact with everyone, especially with her.

I tried to call her once, pero hindi niya sinagot ang tawag ko. It proves that she already saw that video and doesn't want to talk to me anymore.

So after that day, I decided to cut all my contacts to everyone.

Naka dekwatro akong nakaupo sa sofa habang hawak sa kanang kamay ang isang tasa ng kape. Maya't maya ang pagtungga at hindi alintana ang nakakapasong init mula roon.

Nakatulala lang at deretso ang tingin na parang lutang at lunod sa kawalan.

Isang linggo na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay wala parin akong maisip na paraan paano aayosin ang gulong napasok ko. Pagod na ako kakamukmok sa apat na sulok ng bahay na ito.

Para akong tumira sa gitna ng bundok na walang kasama at ang tanging maririnig mo lang ay ang huni ng mga ibon at tunog ng mga punong sumasayaw kasabay sa indayog ng hangin mula sa harden ko sa labas ng bahay.

Masyadong malawak ang bahay na ito para tirhan ng isang walang buhay na tao.

Dito ako lumalagi sa tuwing kailangan ko ng oras para makapag-isip at iilan lang ang taong nakakaalam sa lugar na ito.

Ngunit ngayon sa ikawalong araw ng pananahimik ko ay bigla akong binisita ng mga panauhin. Ang isa ay nasa harap ko at kalmadong inaaral ang lahat ng kilos ko, ang isa ay nasa labas at kanina pa nagsisigaw at nag iiskandalo.

"Wala ka bang plano na papasokin si Mona?"tanong niya na ikinairap ko.

Tukoy niya sa baliw na babaeng kanina pa nagdodorbell at nagsisigaw sa labas.

"I can't let a stranger enter my premises, Nick"walang ganang sambit ko.

"She's still your friend, Berry."may diing wika nito.

"Kahit pa may nagawa siyang mali ay hindi naman tama na ipagtabuyan mo ito"dagdag niya pa.

Mabuti nga at iyan lang ang ginawa ko sa kanya.

"Ah yeah, I have this one friend whom I have trusted for almost 15 years, but guess what?"natatawang banat ko.

"She already died few weeks ago, it saddened the hell out of me, but I have to move forward and forget her existence to move on."i flatly said before putting down my cup in the table.

"I don't have any friends left now, Nick"sambit ko sabay dampot ng pouch ko na nakapatong sa lamesa.

"No one, because even you?"tumayo ako mula sa pagkakaupo at tinitigan ito ng seryoso.

"Who I somehow consider my real little brother, betrayed me for the sake of that fuvking woman."may diing sambit ko.

Bigla siyang napamaang at namula ang buong mukha bago tumayo.

"Wala akong alam, Berry. I-I thought it was just a dare na kailangan kong gawin."paliwanag niya na ikitawa ko ng mahina.

"I swear, wala akong kaalam alam sa ginawa nila"dagdag niya pa.

"Stop lying Nick, I know you!"I flatly said that make him stop from rumbling.

"You really love that fuvking woman for you to let her use you for her revenge."I added with a hint of dismay in my voice.

"You just came home from the States for what? to ruin my life, huh?. Tang*na naman Nick!"sigaw ko na ikinagulat niya.

"Ito ba? Ito ba ang isusukli mo sa lahat ng ginawa ko sayo noon?"dagdag ko ng may pang gigigil.

Mrs. Lhust (Marupok Series#1) [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon