Chapter 14

24.3K 583 55
                                    

"UNEDITED CHAPTER"

Sobrang ganda ng gising ko ngayong umaga, napakagaan sa pakiramdam na animo'y parang nakalutang ako sa alapaap.

Reminiscing yesterday's event made my heart flutter. It gives me a positive vibe to be brave and conquer the world. Taray! mema lang yan.

Oh God! I can still feel her lips on mine.

Kinikilig parin ako ng husto dahil sa halik na iginawad niya sa akin kahapon bago ako umalis.

Oh kay sarap balik balikan ng mga masasayang ala-ala ng kahapon.

Kaya pangiti-ngiti ako habang naglalakad sa hallway papuntang classroom, lahat ng nakakasalubong ko ay nginingitian ko ng husto at ang iba ay kinikindatan ko pa na ikinagulat at ikinakilig nila.

"Sana all good mood" sabi ng kung sino at bigla na lang akong inakbayan.

Nagulat ako kaya binalingan ko ito ng tingin dahil hindi pamilyar ang boses niya, tapos kung makadikit akala mo naman close kami.

"Hi sweety" sabi niya pa. Kaya tinitigan ko ito ng mabuti.

Teka nga lang, siya ba yong babae na nakabanggaan ko sa tapat ng library noon?, ay oo nga siya yong amerikana na bigla na lang din nangyayakap.

Tinabig ko ang kamay nito dahil medyo nakakailang at pinagtitinginan na kami ng ibang mga istudyante. Nagbubulangan pa ang iba at ang sama ng tingin sa akin. Inaano ko ba sila at parang gusto na nila akong patayin.

"Uhm, may kailangan ka ba?" tanong ko sa kanya sabay akbay niya ulit sa akin.

"You forgot my name?" tanong nito na ikinailing ko. Ano nga pangalan niya Eya, Aya o Ela yata yun.

"Its Ayla, sweety. Ouch ha, nakalimutan mo na agad ang pangalan ako, sa ganda kong to?, hmp." sabi nito sabay hawak sa kanyang dibdib na parang nasaktan.

"Hindi ah, inunahan mo lang ako"sabi ko dito at patuloy na naglakad. Nasa tapat na rin kami ng room.

"Ahm,  ano Ayla dito na yung room ko,  pasok na ako ha." Paalam ko dito at malapit na rin mag bell.

"The number you gave last time is not working. Did you change your number already?" tanong nito na hindi parin inaalis ang kamay niya sa balikat ko.

"Yes, nasira kasi sim card ko kakakalikot ko, kaya pinalitan ko na lang" pagsisinungaling ko sa kanya.

Alangan naman sabihin ko ang totoo na pinapalitan ni mam tapos tinapon na lang basta ang luma kong sim. Pati tuloy si Mami nagtaka at hindi ako matawagan sa araw na iyon.

"Okay, can you give me your new number then?"sabi niya sabay kuha ng selpon niya sa bag.

Pero hindi niya pa naman ito nailalabas ay bigla na lang may bumanga sa amin ng sobrang lakas na halos ikatumba ko, mabuti na lang agad kong naitukod ang kaliwa kong kamay sa dingding kaya hindi ako tuluyan napasubsob sa sahig.

Napabitaw naman bigla sa akin si Ayla at tumilapon pa ang bag nito sa sahig.

Nainis ako bigla at hinanap ang nakabanga sa amin nang mukha ni mam ang nabungaran ko.

Nakahalukipkip ito habang nakatingin ng sobrang sama kay Ayla, habang ang isa naman ay abala sa pagdampot ng gamit nito na nagkalat sa sahig.

Nagmumukha tuloy si mam bully habang pinagtitripan ang kaklase nito sa posisyon niya ngayon.

Naawa naman ako dito kaya lalapit na sana ako para tulungan ito pero may biglang humarang na kamay sa harapan ko, pag-angat ko ng tingin ay ang sobrang sama ng mukha ni maam ang bumungad sa akin.

Mrs. Lhust (Marupok Series#1) [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon