Chapter 17

26.7K 650 72
                                    

"UNEDITED CHAPTER"

Pasado alas nwebe na ng umaga ako nagising at medyo ramdam ko ang sakit ng aking ulo gawa siguro ng puyat ko kagabi, halos apat na oras lang yata ang tulog ko.

Bumangon ako at agad na dumeretso sa cr para gawin ang morning routine ko.

Habang nakaharap sa salamin at nakikipagtitigan sa sariling repleksyon ay hindi ko maiwasan na pagmasdan ng maigi ang mukha ko.

Kahit pala paulit ulit akong masaktan ay mananatili parin ang ganda ko. Atleast kahit durog na durog na ang puso ko dahil sa pagmamahal ko kay maam,  itong mukha ko mananatili parin buo at kaaya aya. Napapangisi na lang ako sa aking sarili sa mga naiisip.

Ni isang butil ng luha ay walang pumatak sa aking mga mata matapos masaksihan ang nangyari kahapon.

Hindi ko alam kong nanawa na ba ako kakaiyak sa kanya o pinipilit ko lang ang aking sarili na magpanggap kahit ang totoo ang sarap ng maglumpasay sa tindi ng sakit na nararamdaman ko.

Pero pag andyan na siya. Kahit ang presesnya niya lang at kahit hindi na siya magsalita ay kumakalma ako. Kusang tumitibok itong puso ko sa hindi malamang dahilan. Lahat ng galit ko sa kanya ay nawawala na lang bigla. Nagiging marupok ako sa bwesit na pagmamahal na yan.

Huminga ako ng malalim tsaka tinapos ang ginagawa ko bago lumabas ng cr.

Holiday ngayon kaya tambay ako dito sa bahay buong maghapon. Sigurado nakaalis na si Mami pag ganitong oras kaya mag-isa ako ngayon.

Bumababa na ako para kumain dahil medyo ramdam ko na din ang gutom.

May hinanda naman siguro si Mami bago umalis.

Hindi pa man ako nakakaliko patungong kusina ay nakita ko si Mami na nakaupo sa sofa. Nagtaka naman ako kung bakit hindi pa siya umalis. Bihis naman na ito kaya lumapit muna ako sa kanya para bumati.

“Good Morning Mi” bati ko sa kanya sabay halik sa kanyang pisnge.

“Eat your breakfast and lets talk after” walang emosyong sabi niya. Hindi niya rin ako binati pabalik na ipinagtaka ko. Mukhang hindi naman siya nang paprank kasi sobrang seryoso ng mukha nito.

It's weird, ni minsan hindi ko siya nakitaan ng ganyang emosyon mula pagkabata ko. Nagtataka man ay hindi na lang ako kumibo at umangal. Dumeretso na lang agad ako sa kusina para mag breakfast.

Habang kumain ay hindi ako mapakali at sobrang napaparanoid ako kakaisip kung anong problema ni Mami.

Napapaisip ako kung may nagawa ba akong mali na posibleng ikagalit niya ng husto pero wala akong maisip.

Nawalan na din ako ng gana kaya ilang subo lang ay tumigil na ako sa pagkain at agad na pinuntahan si Mami sa sala.

Pagbalik ko ay ganon parin ang posisyon niya. Nakaupo lang ito at nakatunganga na parang ang lalim ng iniisip.

Maya lang ay napansin kong napapakuyom na ang kamao nito at napapahilot sa kanyang sintido.

Kinakabahan na umupo ako sa harapan niya at hinintay na magsalita ito. Natatakot ako sa kung ano ang dahilan kung bakit kakaiba siya ngayon. At sigurado na akong may nagawa akong hindi niya nagustuhan.

“Kailan pa?” bigla nitong sabi na ikinaayos ko ng upo. Hindi ko naman alam ang tinutukoy niya kaya nanatili akong walang imik at inaantay ang sunod na sasabihin niya.

“Kalian ka pa nagsimulang magtrabho bilang sekretarya sa asawa ng guro mo ha, Sugar?” medyo mahinahong tanong niya sa akin at halatang nagpipigil lang ito na huwag akong masigawan.

Mrs. Lhust (Marupok Series#1) [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon