"UNEDITED CHAPTER"
Nasa tapat na ako ng bahay ni Maam at halos limang minuto na ang nakalipas pero nakatanga parin ako dito sa labas dahil nagdadalawang isip akong mag doorbell.
Kinakabahan kasi ako dahil first time ko pumunta dito na iba ang pakay at yun ang dinner date namin ni mam.
May bitbit akong isang bouquet ng red tulips para ibigay sa kanya. Casual outfit lang din ang suot ko dahil sa bahay lang naman kami kakain at ayaw ko naman ma-over dressed.
Kanina lang ay sobrang na eexcite ako sa naiisip na posibleng mangyari sa amin ni mam, samantalang ngayon ay bigla akong naduwag.
'Dapat umakto akong cool baka ma turn off sa akin si mam, tama, tama dapat cool lang' patango tangong pakikipag-usap ko sa aking sarili.
Kung may makakakita lang sa akin ngayon ay mapapagkamalan na akong nababaliw.
Inayos ko muna ang aking sarili tsaka dahan dahan inabot ang button ng doorbell para pindutin. Pero bago ko paman mapindot iyon ay kusa ng bumukas ang pinto.
"Are you just going to stay there Ms. Lacaforte?, kanina pa ako naiinip kakaantay sayo" nakataas kilay na sabi nito. Naku hindi pa nga ako nakakapasok eh nag-uumpisa na siyang magtaray. At paano niya naman nalaman na nandito na ako?.
"Good evening po Ma'am" magalang na bati ko sa kanya sabay abot ng bulaklak na agad din naman niyang tinanggap.
Tumigil muna ito at pinagmasdan ng mabuti ang binigay kong bulaklak at maya lang ay bigla na lang ito namula sabay talikod sa akin.
Anong nangyari sa kanya at bakit bigla na lang niya ako tinalikuran?, ayaw niya ba sa bulaklak na binigay ko? Walang available na roses doon sa pinagbilhan ko kaya yan nalang binili ko para sa kanya. Maganda din naman yan kaya binili ko na kahit medyo may kamahalan.
Nakasunod lang ako sa kanya papasok kaya kita ko ang kasexyhan nito mula sa likod.
Nakasuot siya ng red strapless na dress at naka pony ang kanyang buhok. Tapos naka light make up din siya with matching heels pa. Parang ang gara naman yata ng suot niya dahil dito lang naman kami kakain sa bahay niya. Nahiya naman itong outfit ko sa kanya dahil parang mamamasyal lang ako sa park o di kaya mamamalengke ganon.
"Done checking me out, Ms. Lacaforte?" Agaw atensyon niya sa akin at mukhang nahili pa ako sa akto na pinapasadahan ito ng tingin. Who wouldn't, she's totally hot right now kaya.
Seryoso siyang nakatingin sa akin habang naka cross arm sanhi ng paka-ipit ng malalaki niyang melon.
Juice ko po wag mo masyado ipitin mam at kaunti na lang ay luluwa na siya.
Hindi ko namalayan na matagal ko na palang pinagmamasdan ang hinaharap nito ng bigla siyang tumikhim.
Pag-angat ko ng tingin ay bumungad sa akin ang nakangisi at nakakagat labi niyang mukha.
Syete! Nakakahiya at huli niya ako sa akto na pinag pipyestahan ko ang dibdib niya. Mabilis kong iniwas ang aking tingin at binaling ito sa sahig.
"Pfft! Ahm!, the food is ready, come on lets eat" sabi nito sabay talikod. Narinig ko itong nag snicker pero hindi ko na nakita ang mukha nito dahil mabilis niya akong tinalikuran.
Pinagtawanan niya ba ako?, bwesit na yan nakakahiya. Kasalanan niya naman di ba binalandra niya kasi ano niya eh.
Sumunod na agad ako sa kanya papuntang kusina at bumungad sa akin ang napakagarang ayos ng lamesa. Sobrang romantic ng pagkakaayos nito na akala mo totoong nasa mamahalin na restaurant kami kakain. Talagang nag effort pa siya para magmukhang totoo itong date namin ah, may tinatagong ka sweetan pala itong si mam kaya hindi ko maiwasan na kiligin sa ginawa niyang ito para sa akin.
BINABASA MO ANG
Mrs. Lhust (Marupok Series#1) [Unedited]
HumorIntersex | GxG | ProfxStud | R18 Started: Oct/02/2022 End: June/13/2023