Chapter 26

28.7K 667 202
                                    


"Mi malalate na ako. Pwede po baunin ko na lang almusal Ko?!"sigaw ko mula sa sala habang inaayos ang tali ng tirintas ng sapatos ko.

Pero wala akong narinig na sagot mula rito na ipinagtaka ko. Alam kong nasa kusina siya dahil rinig ko mula dito ang ingay ng plato at kutsara. Sigurado na naglalapag na siya ng pagkain sa lamesa.

Mabilis akong naglakad papuntang kusina para magpaalam at ilang minuto na lang ay malalate na ako sa klase.

"Mi bakit hindi mo ako sinasagot?"nakatayo lang siya sa harap ng lamesa habang deretsong nakatingin.

"Malalate na po ako eh. Baunin ko na lang.. "Napahinto ako sa aking sasabihin ng mamataan ko ang taong kanina niya pa tinititigan ng masama.

Nakatalikod siya sa amin at naghuhugas ng kamay sa lababo.

Nagulat ako pagkaharap niya dahil hindi ko lubos maisip na nandito siya sa loob ng bahay namin mismo.

Nakaramdam ako ng saya dahil halatang siya din ang nag prepare ng almusal namin.

Binalingan ko si Mami pero ganon parin ang hitsura niya. Nakataas ang kilay at masamang tinititigan si Mommy.

Yes, si Mommy. Hindi ko alam paano ito nakapasok dito sa loob ng bahay namin dahil parang imposible na inanyayahan siya ni mami para lang ipagluto kami ng almusal. Halata naman kasi na hindi natutuwa itong isang nanay ko sa kanyang nasasaksihan.

"Good Morning, Sweety"bati niya sa akin ng nakangiti.

"G-good Morning po, M-mommy" alanganing sagot ko dito.

"Ahm, pinagluto ko kayo ng almusal. Come on, lets eat"sabay punas niya sa kanyang kamay bago umupo.

Gustohin ko man na samahan siya sa pagkain ay hindi pwede dahil ma lalate na talaga ako sa klase.

Magsasalita na sana ako para magpaalam ng unahan ako ni Mami.

"Sino nagsabi na magluto ka? Hindi kita pinapasok dito sa loob ng pamamahay ko para lang pagsilbihan kami dahil kaya kong gawin yun mag-isa ng hindi humihingi ng tulong kahit kanino. Nakiusap ka sa akin na ihahatid mo ang anak ko papuntang school at pumayag ako. Yun lang ang asikasuhin mo hindi yung basta ka na lang nangingialam ng mga gamit ko sa kusina"makamandag niyang sabi kay mommy.

"M-mi grabe ka nam.. "

"Nawalan na ako ng gana. Sumabay ka na lang sa kanya"baling niya sa akin sabay halik sa aking pinsge bago kami talikuran.

Agad kong binalingan ng tingin si Mommy. Kita ko ang pagpipigil nitong hindi umiyak. Bigla akong naawa sa kanya dahil sa mga pinagsasabi ni mami sa kanya. Nakakainis lang at wala man lang ako nagawa para maipagtanggol siya mula rito.

Nilapitan ko na lang ito at niyakap ng mahigpit. Ito lang alam ko para pakalmahin siya. Nagulat ito sa aking ginawa pero niyakap din niya ako pabalik.

"Im sorry po"sambit ko pagkakalas ng yakapan namin.

"N-no its fine, sweety."sabay ngiti niya ng pilit.

"Ahm di ba malalate kana sa klase mo? Halika na at ihahatid na kita"tumayo siya at dinampot ang lunch box na nasa gilid ng lamesa bago inabot sa akin.

Halos maiyak ako sa tuwa dahil sa pag e-effort nito na ipaghanda ako ng makakain. Ngayon pa lang pinaparamdam niya na sakin ang obligasyon niya bilang isang ina. Tinutohanan niya talaga na babawi siya sakin at sa mga pagkukulang niya.

Masaya ako na makasama siya ulit after ng ilang taong pangungulila ko sa kanya. Si Mami na lang ang problema at wala akong karapatan na pilitin ito na patawarin agad si Mommy.

Mrs. Lhust (Marupok Series#1) [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon